CHAPTER 69

21 1 0
                                    

Chapter 69

Sumakay kami sa Van na pagmamay-ari ng pamilya nina Cyrus.
Halatang sa pormahan palang ay masasabi mong excited na talaga siyang makita ang girlfriend.

Sinabi niyang dadaanan muna namin. Pati na rin ang babae ni Kleif at ang nakakawindang at pinakamalupit ay may nililigawan na palang babae si Ghetto. Masaya naman ako sa kanya dahil sa wakas ay nagkaroon na rin ng interes na maghanap ng babaeng mamahalin niya. Ayun nga lang kagaya ni Cyrus ay initago niya muna dahil hindi siya siguradong sasagutin siya.

"You are so beautiful Vhastiana."

She is Loriebelle Russell, may lahing Russian. Napagalaman ko na kumukuha pala siya ng abogasya. Oh diba masyadong mataas ang standard ni Ghetto sa babae? May kurba ang kanyang katawan, may malaking pwet at napaka puti niya talaga. Kulay Grey ang kanyang hanggang balikat na buhok. Napaka elegante niyang tignan.

"You're flattering me. Why look beautiful more than me Loriebell."

Ngumiti siya sa akin ng maganda. Halatang mabait naman siya. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa bahay ng jowa ni Cyrus at halatang mula sa bigating pamilya rin ito. Nasa labas ng bahay at may kasama pa itong lalaki na siguro ay tatay niya.

"Good evening tito, these are my best friends." sabi ni Cyrus sa tatay.

Mukha pa lang ay masasabi mo ng stict siya, "take care of my daughter."

"Makakaasa po kayo tito. Can we go?" sagot ni Cyrus.

Sinenyasan ng tatay ang babaeng nakasuot ng tube na pinatungan ng maong na jacket at naka mini skirt din. Medyo mababa lang siya sa akin.

"Hello guys. This is my daddy. Dad we're going." masayang sabi ng babae na halatang daddy's girl.

"Take care. I trust all of you."

Pumasok na kami sa sasakyan, magkatabi sila ni Cyrus. Syempre nagpakilala siya sa amin at ganoon din kami sa kanya.

She's Blaizey Ong. Maganda, sexy at halatang mabait din. Ang pinakahinihintay namin ay ang babae ni Kleif.

"Ikaw nalang kulang bro. Sana hindi ka mainggit ah?" biro ni Ghetto.

"Nawa'y lahat may partner na! Chee! Mga demonyo!"

Natawa kami sa inasal ni Kleif. Napapadalas na ata siyang asarin ng mga kaibigan.

Nakarating kami sa isang village kung saan sa gate pa lang ay may nakita kaming babaeng nakasuot ng puting bistida at may hawak-hawak na maleta.

"Kleif ayan ba?" tanong ni Cyrus.

"Anong ayan? Mukha bang pasok sa standard ko ang ganyang babae bro? Masyadong mababa ang tingin mo sa standard ko ah!" pikon kaagad na sagot ni Kleif.

Kung ako ang tatanungin eh talaga namang hindi kagandahan ang babae ngunit hindi naman 'yon lang ang basehan para tawaging maganda diba? Minsan nga mas mabuti na 'yong hindi masyadong kagandahan ngunit sobra-sobra naman ang kagandahang loob.

"You're so mean Kleif. You're thinking too much about yourself. Beautiful or not, every girls must be treated equally bro. I don't think a girl like her will like you either." saway ni Gremlin.

I feel proud of him. A guy like his mindset is rare. That's why if you have a boyfriend like him, don't think to break up with him. I tell you... They must be cheerish and treasure because mostly of the guys nowadays prefer those beautiful woman. I don't know maybe they want to please their eyes.

LINKED HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon