CHAPTER 3

64 2 0
                                    

Chapter 3: UNKNOWN NUMBER

"Good morning professor."

nasa kanya-kanyang silya na kami at hindi na kailangan pang mag-antay dahil nandito na ang aming professor.

"Take out your pens and yellow paper. We'll going to start our quiz, but before that please stand up miss Wazu and tell me who are not arround in this class."

Napairap ako dahil tuwing subject ni Nyx ay pinapatayo niya ako upang sabihin kung sino ang mga absent sa klase niya. Alam kong nantitrip lang siya ngunit dahil siya ang professor eh kailangan kong sumunod.

"Velasquez, Marcos, Pablo at Quezon." walang ganang wika ko sabay upo at hindi na muling tumingin sa kanya.

Third year college na ako at nakakabwesit lang dahil araw-araw ko siyang makikita. Huwag niyo ng tanungin kung bakit bwesit na bwesit na ako sa kanya.

Tumikhim siya na tila ba nahihiya sa pakikitungo ko sa kanya. Kasalanan niya naman dahil ginawa akong monitor. Napatingin sa akin si Ghetto na bahagya pang sinenyas na kumalma ako.

"Mukha pa bang kailangan kong kumalma eh kalmado naman ako?" seryosong tanong ko na nagpatawa sa kanya ng mahina.

Talaga namang kung hindi ko lang kaibigan itong si Ghetto, baka naging crush ko na siya. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang lalaking mala Jin ng BTS ang mukha? Kaya minsan nakakaproud maging kaibigan niya eh. Habulin ng mga babae, magaling sumayaw at kumanta, matalino at higit sa lahat may respeto.

Maya-maya pa natapos na rin kaming nag quiz sa subject ni Nyx Mercado. Talagang unang-una niyang i-check and papel ko palagi. Seryoso siyang nakatingin sa papel ko, na tila ba may nakitang hindi kapani-paniwala.

"Do you have a vacant time today miss Wazu?" biglang tanong niya.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Ghetto at parehong kabado sa tanong ng professor.

"Why?" tipid na tanong ko pabalik dahilan upang mapunta sa akin ang atensyon ng lahat na tila ba may nasabi akong hindi kanais-nais.

"You have to see me in my office right after your class if you don't have." aniya tsaka tumayo bitbit ang folder kung saan niya nilagay ang mga papel at attendance sheet namin.

"I'll see you all tomorrow." huling sabi niya tsaka binaling ang atensyon niya sa akin sabay tango.

'Heh! Hindi ako pupunta mamaya!'

Sunod-sunod na natapos ang mga klase ko ngayong hapon. Kasalukuyan kaming nagliligpit ng gamit ni Ghetto dahil niyaya niya akong kumain ng snack sa cafeteria. Alas singko na rin ng hapon kaya hindi naka-kapagtakang gutom na ang mga sikmura namin. Kinuha ko ang handy mirror ko at tsaka nag ayos ng kaunti dahil medyo magulo na rin ang buhok ko, tinali ko nalang ito at tsaka nagsuklay. Naglagay na rin ako ng liptint at pulbo para naman mag mukha akong tao.

"You look so beautiful without wearing a make up Vhastiana. If I were you I won't bother to put a liptint on your lips because it has a rosy pinkish color." he said and carry my other books.

Da-daan muna kami sa mga lockers namin upang itago ang ibang libro na hindi naman namin na kakailanganin mamayang gabi. Masyado ring mabigat kung bitbitin dahil sa sobrang kapal nito.

"How sad because you're not me. How's your mom? I didn't get to ask her since she arrived home." I asked while walking to the locker.

"Somehow despite of how busy she is, she's doing good but there's something I worry about her." anya nang makarating kami sa locker room.

LINKED HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon