Chapter 49
Nagtipon-tipon na kaming lahat ng players dahil tapos na ang opening remarks. Inihahanda na ang court para sa laro. Kami ang unang maglalaro laban sa Diamond University.
"Girls don't be nervous. Normal lang yan." pag papagaan ng loob ni Phillene sa mga players namin.
Unang lalaro ay sina Drev, Ullyses, Owy, Phillene,at Grace sa unang quarter. Ang susunod ay kami nina Cyrus, at iba pang mga babae. Hindi ko maipagkakailang mga magagaling tignan ang mga kalaban. Pero natalo namin sila last year. Hindi nga lang kami sure kung mananalo kami dahil may babaeng nakahalo sa laro. Kailangan naming buhatin ang mga kasamahan.
"Ang daming nanunuod. Baka madulas lang ako at pagtawanan." ani Grace kay Phillene.
Si Hydrev ay kausap si coach. Si Vhastiana nakita kong nakaupo sa unang bench kung saan kasama lahat ng coach. Kakaiba silang dalawa ni Zique dahil kasama nilang nakaupo amg mga coaches. Ang iba ay nasa likuran na nila. Nakasuot ng knee pads ang mga babaeng players.
Mas matangkad ang mga babaeng kalaban sa kabilang panig ngunit lamang lang sa ganda ang amin kaso ano namang panlaban ng ganda nila sa laro? Wala!
"Good morning students from different universities!!!" sabi ng babae at lalaking emcee sa microphone.
"Good morning!!"
"ARE YOU READY TO WATCH THE BASKETBALL GAME?"
"BRING IT ON!"
"GO DIAMOND UNIVERSITY!"
"YUGI! YUGI! YUGI! YUGI! YUGI!YUGI! YUGI UNIVERSITY!!!"
"YGU! YGU! YGU! YGU! YGU! YGU! YGU! YGU! YGU! YGU!"
Napuno ng nakakabinging sigawan ang loob ng sport complex. Nasa stage ang dalawang Emcee.
"LET'S WELCOME THE FIRST QUARTERS PLAYERS OF DIAMOND UNIVERSITY!"
"woaaahhhhhh!!!"
"Go Diamond university!!!"
Nagsimula nang magsigawan ang mga studyante nung pumunta na sa gitna ng court ang anim na players ng Diamond University.
Tinawag ang isa-isa nilang mga pangalan at nung natapos ay tinawag na naman ang players namin.
"LET'S WELCOME THE PLAYERS OF YUGI UNIVERSITY!"
"HYDREV! HYDREV! HYDREV! HYDREV! HYDREV!"
"GO CAPTAIN HYDREV GREMLIN LAVIENDO!!!"
"I LOVE YOU DREV!"
"SAMONTE! SAMONTE! SAMONTE! SAMONTE!"
"GO UNIVERSITY BEAUTY!"
Taas noong ngumiti si Phillene sa gitna ng court na para bang rumarampa bilang miss universe. Napaka feeling talaga ng babaeng yun! Di hamak na mas maganda si Vhastiana sa kanya.
Nagkamayan ang bawat players at tsaka sinabi ng referee ang duration ng game, rules and chuchus. Hindi na ako nakinig dahil alam ko na yun..paulit-ulit nalang kaya hindi na yun mahalaga. Ilang beses na nga inulit-ulit ni coach kanina pati yong sportsmanship, manners and chuchus daw.
Si Drev ang point guard, shooting guard si Ully, center si Owy, powerforward si Grace dahil mas mabilis siyang tumakbo kumpara kay Phillene. Si Phillene ang small forward.
Nasa tamang posisyon na si Ully at ang shooting guard sa kabilang panig na si Julius para sa jumpball. Hinagis ng referee ang bola sa ere.
"THREE, TWO, ONE, POSITION!"

BINABASA MO ANG
LINKED HEARTS
RomanceIt's all about the story of a woman that has a fear of falling in love and a man with the fear of beautiful woman. Genre: Romance and youth