Chapter 5: KILL WITH KINDNESS
Tahimik siyang naglalakad habang buhat-buhat ako. Diretso siyang nakatingin sa dinadaanan na tila ba ingat na ingat siya.
"I could see your car here. Your car must be the color silver right?" tanong niya.
Hindi ako sumagot dahil silence means yes. Hindi ko ugaling sumagot sa mga katanungang may kasagutan na. Alam kong lahat ng tanong may kasagutan pero ang ibig kong sabihin ay iyong mga may obvious o alam na nga tinatanong pa.
"You can put me down. I'm not totally injured and sinabi mo na nga kanina malayo sa atay." sabi ko.
Napatawa na naman siya ng mahina. Binigyan ko siya ng tingin na may pagtataka.
"Can you drive to home?" tanong niya nang naibaba ako.
Napadaing ako sa isipan nang maramdaman ang sakit sa likurang bahagi ko pero minabuti ko pa rin na tumayo ng tuwid.
"Hindi mo kailangang ipakitang hindi ka nasasaktan dahil kitang-kita ang tunay mong nararamdaman sa iyong mga mata"
Kumunot ang kilay ko sa sinabi niya. Wala naman akong kilalang Laviendo sa university na ito tapos kung makapag salita siya parang matagal na kaming magkakakilala.
"I'm not going to thank you for carrying me today, you can also ask a favor in order for me to payback your kindness." sabi ko sabay unlock ng sasakyan.
"Masungit pa rin!"
Hinarap ko siya nang magkasalubong ang kilay, kaagad naman siyang hindi mapakali na tila ba natatanrang makita ang mukha ko.
"Anong sinabi mo espanyol?!" galit na tanong ko.
Gusto kong matawa sa reaksyon niya ngunit mas lamang ang galit ko.
"W-wala akong sinabi ah!" depensa niya.
"Teka paano mo nalamang espanyol ako? Siguro stalker kita no?" takang tanong niya ngunit kaagad ding sumilay ang nakakalokong ngisi sa kanyang labi.
"Narinig kitang may kausap sa telepono kaninang umaga. Asa ka namang stalker mo ako. Ge una na ako."
Mabilis akong pumasok sa sasakyan pinaandar upang umalis na.
"Mr. Laviendo called your mom that you fell on the floor in the gymnasium? Why are you there Vhastiana?"
Napahinto ako ng makasalubong si daddy sa main door na naka krus pa ang mga kamay.
"Good evening dad. I was there to give the attendance sheet to prof. Aban but unfortunately he was talking to the basketball coach that's why I had to wait for them to finished." I explained.
He looks convinced. Hindi naman kasi ako sinungaling kaya malamang naniwala siya.
"Come in. I have a present for you from new york, they are already in your room." wika ni daddy tsaka naglakad sa akin at hinalikan ang tuktok ng noo ko.
"Get change, we'll going to eat dinner." aniya.
Tumango ako sa kanya sabay akyat sa hagdanan. Dad is a strict person but he didn't failed to show his love for us. Siguro para rin naman sa kabutihan namin ang ginagawa niya. Sadyang minsan nauubos ang pasensya niya kay kuya dahil sa sobrang tigas ng ulo ng panganay niyang anak.
Matapos akong mag shower at nag bihis bumaba na ako para kumain ng dinner kasama ang pamilya ko. Minsan lang 'to nangyayari kaya go lang.
"I didn't know that you and mr. Laviendo knew each other." Mom says as she saw me approaching.
BINABASA MO ANG
LINKED HEARTS
RomanceIt's all about the story of a woman that has a fear of falling in love and a man with the fear of beautiful woman. Genre: Romance and youth