Chapter 43
Nakarating ako sa bahay. Nagtaka ako kung bakit may dalawang sasakyan na nakaparada sa garage ko. Napailing nalang ako dahil sigurado ako kung sino ang may ari ng mga iyon.
Hindi ko na kailangang hulaan kung sino sila dahil pati ang ilaw sa loob ng bahay ay nakabukas na. Naka saved na kase ang finger print nina Kleif at Cyrus kaya malaya silang pumasok kung kelan nila gusto.
Pumasok ako sa loob at nadatnan ang dalawang kumakain ng pop corn at naunuod ng palabas na hindi ko alam. Hindi nila namalayan ang pagpasok ko dahil masyado silang nakafocus sa pinapanuod.
"What's going on here?" tanong ko habang umupo sa gitna ng dalawa. Nakasuot pa sila ng kani-kanilang mga pajamas.
"We decided to stay here until the end of Interschool. We're having a practice tomorrow diba?" kaswal na tugon ni Kleif at sinubuan ako ng pop corn.
"Did your grandfather kick you again?" seryosong tanong ko habang nasa tv ang paningin.
Padabog niya ulit akong sinubuan ng pop corn. Sa kilos niya palang alam kong tama ako.
"Anong sinasabi mo bro? Wala namang ganyanan!" singhal niya.
"Sinasabi niya lang kung anong totoo. Nahiya ka pa bro? Hahaha?" singit ni Cyrus sabay bato ng popcorn kay Kleif.
Nag batuhan na sila ng popcorn. Kumalat sa carpeted floor ang ilang mga piraso kaya kailangan ko na silang pigilan dahil hindi madaling maglinis.
"The two of you will clean the entire house tomorrow." seryosong sabi ko sabay tayo.
"Dude naman! Ang lawak ng buong bahay taena mo!" it was Kleif.
"You need to learn doing house hold chores bro. You will be the in charge of cleaning and Cyrus will be our chef." nakangising sabi ko.
Nakanguso na rin si Cyrus dahil sa sinabi ko. Marunong syang magluto kaso tamad lang talaga.
"AND WHAT YOUR ROLE HERE HA?!"
"BOSS." madiin kong sagot tsaka tumakbo na paakyat sa kwarto. Sinigurado kong naka locked ang pintuan dahil baka papasukin nila ako rito.
Mabilis na nag shower ako at nagbihis. Tinext ko na rin si Vhastiana na nakauwi ako. Ilang minuto akong nag-antay sa reply niya hanggang sa hindi ko namalayang napapikit na pala ako.
Nagising ako kinaumagahan dahil sa sunod-sunod na katok sa pintuan ko. Inis na tumayo ako habang kusot-kusot ang mata. Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad si Kleif sa akin na humihikab pa.
"Cyrus done making breakfast. Let's go downstairs." aniya.
"Okay."
Antok na antok kaming dalawang bumaba at pumunta sa kusina. Saktong nakahanda na ang lahat ng pagkain sa lamesa. Si Cyrus ay nakasandal sa upuan habang nakapikit ang mga mata.
"Gising na, otherwise we'll leave you alone here." tinapik ko ang balikat niya. Mabuti nalang at napamulat siya ng mata.
"I woke up at exactly 4am to cook our breakfast and how dare you leave me??" singhal niya sa amin. Nagtinginan kami ni kleif sabay kindat sa isat-isa.
Kumain kami ng tahimik marahil ay inaantok pa rin. Alas singko palang ng umaga. Ganito kami tuwing may practice sa basketball. Walang masyadong nangyare noong intrams dahil hindi naman ako nakapaglaro. Mas pinaghahandaan namin ang interschool na gaganapin na next week. Tatlong araw kaming mga atletes na mawawala dahil nasa Garnet University ang venue kung saan kami mag lalaro.
BINABASA MO ANG
LINKED HEARTS
Roman d'amourIt's all about the story of a woman that has a fear of falling in love and a man with the fear of beautiful woman. Genre: Romance and youth