EPILOGUE

42 3 1
                                    

EPILOGUE

Vhastiana's point of view

Gabi na nang makarating ako sa condo ko at kanina pa ako naiinis dahil sinukahan lang naman ako ni Blythe. Masyado pang malikot at mabigat.

Inalalayan ko siyang makaayat hanggang sa unit niya. Pinasok ko siya at pinahiga. Wala akong balak na palitang siya ng damit dahil unang-una lalaki siya at it's against my principle.

"M-marichu..."

Tumaas ang kilay ko nang marinig siyang magsalita.

"Chuchu..."

Gusto ko siyang sampalin ng tsinelas. Kanina lang sinukahan ako tapos ngayon iiyak-iyak sa harapan ko. Nakahiga siya ngayon sofa bed.

"D-don't leave me please."

Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit. Pinilit ko paring kunin ang kamay ko.

"I'm not the girl in your dream, stupid!"

Pinitik ko ang noo niyang malakas dahilan upang magising siya.

"V-vhastiana?! What are you doing here?" takang tanong niya.

"I brought you here! You need to lose some weight because you're heavy!" reklamo ko.

Lasing na lasing parin siya na parang wala sa ulirat.

"Anyway you mentioned about the girl named Marichu. Who is the unluckiest girl?" sarkastikong tanong ko.

Sumeryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin ngunit hindi pa rin ako natatakot at natinag.

"She's my first love..." aniya.

Natawa ako nang bahagya dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong ikinagalit niya sa akin.

"Alright I got the answer for my curiosity. I'll leave your place now. Lock the door." utos ko.

Umalis na ako at pumasok sa condo ko. Naligo ako ng matagal ngunit napilitan akong mapaahon sa bathtub nang marinig ang boses ni Blythe na panay sigaw ng sigaw. Nagsuot ako ng mabilis at lumabas ngunit hindi ko inaakalang madatnan ko siyang sakal-sakal si Gremlin.

"You're asshole!!" sigaw nito at pumasok sa unit ni Gremlin.

Basi sa nakikita at napapansin ko ay parehas silang mga lasing. Hindi lumalaban si Gremlin kay Blythe.

"Get your hands off Blythe." kalmadong utos ko ngunit tila hindi niya ako naririnig.

"B-because of your mother my mom died!"

Nanlaki ang mata ko sa salitang binitawan ni Blythe.

"If you didn't attempted to left Marichu she's alive till now!!!!"

Mas nanlaki at natuyo ang lalamunan ko dahil parehas nilang first love si Marichu. Kaya pala madalas kong naririnig ang mga masasamang salita ni Blythe sa tuwing nakikita niya si Gremlin ngunit hindi ko naman nahalatang magkakilala sila dahil parang wala lang kay Gremlin ang presensya ni Blythe.

LINKED HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon