CHAPTER 28

24 1 0
                                    

Chapter 28

Hydrev Gremlin Laviendo

Pasado alas tres pa lang ng umaga ay tinawagan na ako ng kaklase ko upang pumunta na sa university. May funrun at zumba higit sa lahat ay kailangan naming dumalo para may attendance. Dahil kung hindi ay ipapalinis sa amin ang buong campus.

"Pot tingnan mo yong babaeng yun!"

Napatingin kaming lahat kay Kleif na may tinuturong babae raw. Napaka babaero kase netong ugok na 'to. Lahat nalang ng babae ay napapansin.

"Saan?? Ang daming babae tanga!" reklamo ng isa naming kaklase.

"Ayung naka leggings! Hahaha nyeta whatta nice ass beybi!" natatawang sagot ni Kleif.

Sinundan namin ang tinutukoy niya at humagalpak sa tawa ang mga kasamahan ko. Wala akong ganang makitawa dahil unang-una, hindi naman nakakatawa at hindi dapat pagtawanan ang pwet ng babae. Oo malaki talaga and her ass invites troubles to men, except me.

"Saang lupalop kaya nanggaling yang laki ng pwet na yan no? Hahaha putek mga men, nakakatawa!" ani Justin.

"Hahaha taena parang lahat yata ng taba nasa pwet na na eh hahaha!"

"Ilang kilo kaya nyan? Pakiramdam ko ang bigat eh!" kantyaw ni Kleif na humahalakhak pa.

"Bakit? Mukha bang ako ang may-ari ng pwet nya?" sagot ni Lufy.

"Tae ka naman dude! Nagtatanong lang eh pilosopo kana kagaad!" reklamo ni Kleif.

Binatukan ni Lufy si Kleif, "bakit kase ako tinatanong mo? Anong kinalaman ko sa pwet niya eh meron naman ako nun! Tsaka bakit? Tinatanong mo kung ilang kilo? Ano bibilhin mo tsaka kainin?"

"Hahahahahahhaha!"

Sabay-sabay ilang humagalpak sa tawa, pati ako ay napatawa nakang rin ng walang boses dahil talagang sumama ang timpla ng mukha ni Kleif
sa sagot sa kanya ni Lufy.

"Putek ka! Masama bang magtanong?"

Mabilis na inakbayan ni Lufy si Kleif, "masama pre lalo na kung hindi ako ang nagmamay-ari ng pwet na yun hahahah!"

Umayos ako ng tayo at tumikhim. Nakuha ko naman ang atensyon nilang lahat, "why are you guys making fun about her ass? Do you want to have an ass like her?"

Napalunok silang lahat ng laway at napaiwas ng tingin.

"Huwag niyo ng dagdagan ang maruming imahe ng mga kalalakihan. Kaya tayo nasasabihang mga tarantado't manyakis dahil sa ganyang ugali natin. Maliit man o malaki ang pwet nila, we should respect them. Think about our mothers and sisters, kapag hindi natin sila nirerespesto we are just doing the same thing to them." saway ko sa kanila.

"Ahahaha hanapin ko lang ang class monitor hahaha!"

Mabilis na umalis ang ibang mga kaklase ko alam kong ayaw lang nilang makinig sa paninermon ko.

"Reasonable."

Kinalas ko ang kamay ni Samonte na nakahawak sa balikat ko. Nakasuot lang siya ng itim na sports bra at short. Halatang well prepared na talaga. Hindi naman kailangang suotin talaga ang mga department shirt namin pero sinuot ko ang akin.  Tutal bawat isang klase ng shirt ay tatlo sa akin para extras.

LINKED HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon