CHAPTER 44

14 1 0
                                    

Chapter 44

Nanatili kaming nakatayo malapit sa basketball ring habang ang ibang mga studyante naman ay nagsasanay na sa mga kanya-kanyang laro.

"Ilang players kaya ang ipapasok ni coach?" tanong ni cyrus na naka tayo rin sa tabi ko.

"Maybe six? I can't assure we can win the game this time." problemadong tugon ko sa kanya.

Napabuntong hininga kaming dalawa at problemadong nakatingin sa palalapit na mga kababaihang nakasuot ng kani-kanilang sports attire papunta sa amin.

"Mas madali pa yatang gumawa ng design ng mga buildings kesa maglaro kasama ang mga babae! Tignan mo nga bro, tingin mo ba interesado yan sila sa laro? O baka gusto lang nilang makita ka?"

Tinuro niya ang mga babaeng may mapupulang labi, nasobrahan sa palamuti at sobrang hinhin pa kung kumilos. Kumunot ang noo ko sa mga babae.

'How they defense the ball with that moves? Mauubos na lang sinugo ang oras wala pa kaming score.'

"Cap, sila ang mag ta try out para sa mixed basketball. Ikaw na ang bahala sa kanila. May aasikasuhin pa kami ng mga coaches." bungad ni coach nung nakalapit.

"Uhm." tumango ako sa kanya. Umalis na rin siya at nagsimula ng mag bulungan ng mga babae.

"Sana makakasama ako heheh!"

"Umayos ka nga! Ako rin dapat!"

"Gage ang gwapo ng captain huhu!"

"Ounga!"

Naririndi ako sa mga bulong nila. Tatawagin ko na sana si Kleif ngunit may kausap na babae habang patawa-tawa pa.

"Call that punk." utos ko kay Cyrus.

Kumaripas siya ng takbo papunta kay Kleif at tsaka binatukan. Patago akong napangisi dahil magsisimula na namang mag reklamo si Kleif.

"Team please gather." sumigaw si Cyrus sa mga teammates namin at tsaka sinabi kung anong dapat naming gagawin.

"Cap, anong quality ba ang hinahanap mo?" pabebeng tanong ng babae na may pa ngiti-ngiti pa.

"Of course those who are knows how to play basketball. Mabilis at may commonsense." sagot ni Ullyses na para bang siya ang tinatanong.

"Hindi naman ikaw ang tinatanong bakit sumasabat ka?" maarteng wika ng babae.

"So what? Tingin mo interesadong magsayang ng laway si Cap sayo? Haha ASA KA GIRL!" ani Ullyses.

"Arrogant!" sigaw ng babae. Tinaasan ko ng kilay si ully at alam kong alam niya ang pahiwatig nun.

"You're not qualified. Alis!" sabi ni Ully sa babae mabuti nalang at nag marcha kaagad paalis.

"Simulan niyo ng maghanap ng players. Huwag kayong pumili ng maarte at mahinhin." utos ko sa team.

"Yes cap!" sabay nilang tugon.

Nagsimula na silang mag form sa basketball at tsala isa-isang pinapasalo ng bola at pa shoot sa ring. Yun ang unang gagawin kung pwede ba sila. Nakatayo ako sa gilid habang naghahanap ng pwedeng isali. Napailing ako nung may ibang hindi pa alam kung paano sumalo, humawak ng bola. Mga maarte't walang alam kundi ang magpa cute lang.

May nakita akong babae na may suot na kulay blue na jersey, may buhok na itim na hanggang balikat, maputi at may tamang pangangatawan. Sa kilos niya palang kung paano humawak ng bola alam kong marunong siya.

LINKED HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon