CHAPTER 62

19 1 2
                                    

Chapter 62

Lumipas ang dalawang araw ng hindi kami nagpapansinan ni Gremlin. Sa tuwing nagkakasalubong kami ay siya na mismo ang umiiwas sa akin kaya hinayaan ko nalang siya.

Kung gusto niya ng katahimikan edi sige. Hindi naman ako yong tipo na ipagpipilitan ang sarili sa taong ayaw naman sa akin.

"Hey are you listening Vhastiana? Don't think about him anymore. Malapit na ang ojt natin kaya please huwag kang maglugmok-lugmukan diyan." pagsusumamo ni Ghetto.

Nasa room kami ngayon at kasalukuyang nagsasalita ang professor sa harapan namin.

"I'm jotting down notes Ghetto..don't disturb me please."

Mukhang nagdududa pa siya kaya naman pinakita ko ang binder ko kung saan ako nagsusulat ng mga importanteng binabanggit ng professor.

Kaagad na sumilay ang nakakalokong ngisi sa kanyang labi, "I really envy you, broken hearted na nga't lahat study first ka pa rin. That's Vhastiana I knew, my buddy."

"If you think I'm flattered, you're wrong. Makinig ka na nga lang dyan Adison baka ipakain ko pa tong binder ko sayo." banta ko.

"Oo na! Napaka seryoso mo talagang tao!" reklamo niya at nakinig na rin sa professor.

Natapos ang klase namin at buong araw akong naka PokerFace. Kanina pa nga pabalik-balik si Cyrus sa room namin na nagpupumilit na sumama sa kanila pero hindi siya nagtagumpay.

"Sige na Cyrus, umalis kana. He wants peace of mind. Don't comeback and beg here. Don't beg for someone who can't give and do what you want. One word is enough... We're done." seryosong sabi ko sabay  sukbit ng bag sa balikat ko.

"Mauna na kami bro." paalam ni Ghetto.

Naglakad kami pababa sa building namin. Hindi ko naman inaasahang makakasalubong namin si Zique na naglalakad mag-isa.

"Hey there Vhastiana. What's up?" bungad niya.

"Fine." tipid kong sagot sa kanya.

"By the way, my mom invite you to come to her party tonight."

Napalunok ako ng laway dahil sa sinabi niya. Nagkataon kase na nagkasalubong kami ng mommy niya sa supermarket. Nagulat nalang ako nang tawagin niya ako. Akala ko nakakatandang kapatid yun pala ay nanay niya.

"Just pick me up tonight." sagot ko.

Naramdaman kong siniko ako ni Ghetto sa tagiliran ng mahina.

"Ikaw Adison? You're invited too." aniya ng nakangiti.

Ngumiti ng pilit si Ghetto, "Vhastiana will come so I should also be there. I won't let anyone hurt her again otherwise I'll use this fist to crack someone's face."

"Don't worry, I'm responsible if something happen to her." tugon ni Zique.

"Una na kami Zique. Just pick up us at exactly 6pm. See you." Sabi ko at naglakad na.

"What are we going to wear tonight? We didn't ask him about the theme." tanong niya.

"Just wear what you want. Just wear something na naayon sa mga birthday party." tanging sagot ko nalang.

"Baka naayon sa theme Vhastiana HAHA! malay ba nating horror pala ang theme tapos nagsuot tayo ng formal attire edi nakakahiya." tawa-tawang sabi niya.

Anyway hindi ako nagdala ng sasakyan dahil sinundo lang ako ni Ghetto kaninang umaga sa bahay.

"Edi ikaw na matalino." tawa-tawang sabi ko at talagang mapaglaro ang tadhana dahil nakita namin ang magkakaibigan na nakatayo sa tabi ng magagarang sasakyan.

LINKED HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon