Chapter 29
"Are you sure na nireregla ka?"
Nakakahiya man pero wala akong magagawa dahil nasabi ko na. Normal lang naman sigurong magtanong dahil lalaki ako at walang alam na sasakit talaga ang buong katawan.
"Do I need to repeat or do I need to prove with evidence?"
Napalunok ako nung sa sinagot niya. Ibig niya bang sabihin na evidence ay ang used napkin?
'Oh no! That's disgusting!'
"If you are going to show me your used napkin then it's better not to."
"Ridiculous! Sino bang tanga ang gagawa nun? Tsk!" pasinghal na sabi niya.
Kaya pala siguro tahimik siya kanina, idagdag pa ang funrun na 20 laps malamang mas sumakit ang katawan niya.
"Shut your lips Vhastiana otherwise I'll zip that using my lips!" banta ko na mukhang epektib naman kaso pinasiringan ako ng mata.
Patuloy ako sa paglalakad habang buhat-buhat siya hanggang sa narating namin ang clinic. Hindi rin malapit itong clinic sa open field kaya medyo nahihirapan ako.
"What happened?" tanong ng school nurse. Balita ko kinababakiwan din ito dahil sa kagwapuhan nito. Tantsya ko nasa 29 or 30 na ang edad niya.
"I'll just rest for a while nurse. Sumasakit lang katawan ko dahil sa period ko." ani Vhastiana.
"Okay, come in."
Pinapasok kami ng nurse at kaagad naming inalalayan si Vhastiana pahiga. Matalim na tinignan ko ang nurse nung nakahawak pa siya sa balikat ni Vhastiana.
"Aren't you going to get your hand off?" pormal kong tanong. Napatingin siya sa tinitignan ko.
Napailing siya sabay ngisi na para bang may nakakatawa.
"Calm down bro, wala akong gagawin kay miss Wazu." paliwanag ng nurse.
"I didn't say anything." tipid na sagot ko. Itatanong ko pa sana kung bakit kilala niya si Vhastiana kaso naalala kong anak pala siya ng dean kaya hindi na nakakapagtataka.
"Are you sure you just want to rest?" tanong niya ulit.
"Do I need to repeat it aga---"
"WHERE'S VHASTIANA WAZU?!"
Nagtaka ako nung may narinig na boses mula sa lalaking halatang hinihingal pa. Hanggang sa isang iglap ay nasa harapan na siya ni Vhastiana.
"What happened?!" he asked like Vhastiana owe him an explanation.
"Why are you here?" seryosong tanong ni Vhastiana sa lalaki.
"Yow Nyx! What's up man?" singit ng nurse na para bang matagal na silang magkakakilala. Alam kong professor tong lalaking nandito.
"I'm going to check Vhastiana's condition. Anong nangyare sa kanya?" sagot naman ni Nyx.
"Nothing serious. Sabi niya meron daw siya kaya sumasakit ang katawan niya." tugon ng nurse.
"Anong meron?"
"Stop asking otherwise ikaw ang parereglahin ko para sa kanya!" singit ko. Nakakainis talaga tong aura ng lalaki na ito! Ang lakas niyang umakting na para bang syota siya ni Vhastiana.
"You again?! What a rude student!" itinuro niya pa talaga ako.
"You may leave."
"YOU!!!" muli niya aking tinuro at hinatak ang kwelyo ko. Bago niya pa mag maisakatuparan ang plano niya ay pinigilan na siya ng hilik ni Vhastiana.
BINABASA MO ANG
LINKED HEARTS
RomanceIt's all about the story of a woman that has a fear of falling in love and a man with the fear of beautiful woman. Genre: Romance and youth