chapter 6: SHAKE HANDS
Hindi na ako natulog pagkarating sa bahay kaninang madaling araw dahil nakatulog naman din ako sa sasakyan. Hindi ko naabutan ang pinsan ng babaeng kausap ni kuya. Hindi rin naman na ako ginising dahil talagang inaantok na ako. Nakarating kami pasado alas kwarto na ng umaga.
Si kuya ay nasa kwarto niya na at nagpapahinga. Alas sais na ng umaga kaya naman maaga akong naligo. Pupunta nalang ako sa university at sa library nalang tumambay mamaya.
Nagsuot ako ng A-line skirt na kulay itim at puting long sleeve na turtle neck.Wednesday ngayon kaya wash day.
"I'm going to school na Vhastiana. Are you ready? Pwede kang sumabay sa akin." bungad ni mommy.
"You may go ahead mom. Kakain pa ako ng breakfast." sagot ko.
"Before I forget, kunin mo yong tatlong paper bags sa sofa sa dining room. Ibigay mo ang mga iyon kina mr. Laviendo." sabi niya na ikina laki ng mga mata ko.
"Mom hindi kami close at tsaka hindi ko nga sila kilala!"
"Sinabi ng tatay mo na ibigay mo ang mga iyan bilang pasasalamat sa pagtulong nila sayo." sagot niya na may bahid ng galit.
"Isa lang naman ang tumulong sa akin eh."
"Yeah isa lang nga, ang pangit naman kung isa lang ang bibigyan mo diba? Tsaka huwag ka ng maraming reklamo baka ma late na ako."
Mabilis na lumabas si mommy bitbit ang bag niya at ang laptop. Napakamot nalang ako sa ulo dahil wala rin naman akong choice. Wala si dad tiyak kong binibisita na naman niya ang bawat gas station na pag-aari niya.
"Pa special naman kase! Ni hindi ko nga alam kung saang lupalop sila eh."
Binuksan ko ang pasalubong na galing kay daddy kagabi mula New York, sapatos at dalawang bag lang naman na may brand na channel at LV. Kahit ano lang naman tatanggapin ko, hindi ko kailangan ng branded.
"Akala ko si Ghetto lang ang mayroong pasalubong, mabuti nalang nga at marami ang nabili ni dad."
Kung mga gamit lang naman, tiyak kong kulang nalang maging shopping mall ang kwarto ni kuya. Bukod sa kwarto niya eh may kwarto pa siya na malaki at ang laman ay mga damit, gamit at mga kaartehan niya pa.
"Yaya huwag niyo nalang po munang gisingin si kuya sa kwarto niya. Hayaan niyong magutom yun dahil gigising lang siya ng kanya." Bilin ko sa yaya bago lumabas sa kusina.
Ang isang paper bag, naging apat na tuloy. Nagtaka pa ako dahil ang bigat ng mga laman. Hindi ko ugaling makialam kaya hinayaan ko nalang.
Pinasok ko sa sasakyan ang mga bitbit at tsaka nagtungo sa university. Hindi pa nga ako nakarating ngunit problemado ako kung paano ko ibibigay ang mga ito. Masakit pa rin ang likod ko at parang robot ako kung gunalaw.
"Tama! May practice pala sila ngayon. Baka nasa gymnasuim!"
Mabilis akong nagmaneho hanggang nakarating ako sa parking lot ng university. Naglakad ako papasok sa gym at sakto namang natatanaw kong tatlo nalang ang natira. Pamilyar ang kanilang mga mukha. Seryoso akong naglakad papunta sa direction kung saan sila. Mabuti nalang nga at naka sneakers ako ngayon.
"Nakakapagod talaga! Hindi ko aakalaing pinatakbo tayo ni coach ng mahigit isang oras!" reklamo ng isa.
"Paano ba naman kasi itong magaling nating kaibigan eh nahimatay na naman! Mabuti nalang nga at noong tumawag siya hindi pa ako nakakalayo sa university!" sagot naman ng isa pa na mukhang mas bata.

BINABASA MO ANG
LINKED HEARTS
RomanceIt's all about the story of a woman that has a fear of falling in love and a man with the fear of beautiful woman. Genre: Romance and youth