Chapter 68
Madaling lumipas ang oras at ngayon ay nasa labas ako ng building kung saan nag seminar ang nga architecture students mula sa ibat-ibang university. Ani Gremlin kanina e hindi siya nakapagbasa sa group chat nila kaya nagulat nalang siya noong binulabog siya nina Cyrus at Kleif sa bahay niya.
"Parang ang sarap naman mag relax tonight. Saturday na bukas eh. Anong plano guys?" si Cyrus mismo ang nag tanong noon.
"What do you want to do this weekend Vhastiana?" tanong ni Gremlin saakin.
"Can we go to resort? You know beach can ease our stress." si Kleif ang sumagot.
Tumingin si Kleif saakin at patagong kumindat na para bang sinasabi niyang sakyan ko.
"Not a bad suggestion."
Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang parking lot. Magkasama kami ni Gremlin sa sasakyan dahil hindi niya raw dinala ang sa kanya.
'As if naman hindi ko alam na gusto niya lang talaga akong makasabay no?'
"Edi kung ganoon eh kailangan na natin mag impake mamaya. Kelan ba tayo aalis?" Cyrus.
"Pwede rin naman mamaya pagkatapos natin mag-ayos ng mga gamit. Ako na bahalang mag book ng hotel natin." si Kleif.
"Edi dapat bilisan natin kumilos no? Ang bagal niyo kase maglakad HAHA! By the way guys dadalhin ko si Mika."
Lahat kami ay takang napatingin kay Cyrus dahil nakakapagtaka ang ngiti niya. Halatang may tama na kay Mika.
Lumapit si Kleif sa kanya at tsaka binatukan, "stupid! Who's that girl? Bakit hindi mo sinabing may jowa ka na ha?! Kelan ka natutong magtago sa amin ha?!"
"Hindi ko naman kase sure kung sasagutin ako o hindi kaya minabuti kong hindi muna magsalita. Kagabi lang nga ako sinagot hihihi!" halata namang kinikilig si Cyrus no?
"Aba hindi pwedeng wala akong dadalhin mamaya no! Sinuswerte naman kayong dalawa kung may partner kayo habang ako ay wala!" pamamaktol ni Kleif.
"Bring your girl then. We doesn't want you to feel like you're out of place bro." singit ni Gremlin sabay akbay sa kaibigan.
Napaka sweet nilang tatlo kahit na madalas nag-aasaran. Syempre isa rin naman yong factor na mas lalong pinapatibay ang friendship nila.
Tumingin si Gremlin sa akin, "let's invite Ghetto too."
"Hindi naman pwedeng ako lang pupunta samantalagang siya ay maiiwan." sagot ko nalang.
"Tara na."
Nakarating kami sa parking lot at marami na rin ang mga nandito para kuhain ang sasakyan.
"Where's your keys? I'll drive the car."
"No, let me drive. Just sit and relax man." sabi ko sabay kindat sa kanya.
"Ayay naman! May pa kindat pang nalalaman si madam Vhastiana! Bago 'yun ah? Hahaha!" si Kleif.
BINABASA MO ANG
LINKED HEARTS
RomanceIt's all about the story of a woman that has a fear of falling in love and a man with the fear of beautiful woman. Genre: Romance and youth