Chapter 56
Pinagmasdan ko ang likuran ni Zique na pabalik sa kinauupuan niya. Hindi ko alam na imbitado pala ang kupal na yun.
Maging si Gayle Perez ay nandito rin. Parang Malulugi pa ako sa pormahan ngayong gabi dahil maraming mga kinikilig habang nakatitig sa kanya.
"Once and for all happy birthday. I wish you achieve your goals in life and don't take for granted the person who's always by your side. I hope you'll be glad seeing my gift for you." malamig at seryoso niyang sabi sabay lakad saakin upang iabot ang kanyang regalo.
"Thanks."
Sumunod naman ang kupal na si Kleif, "akala mo nakalimutan namin na birthday mo no? Sinadya talaga namin na hindi ka batiin para ma surprise ka. Bro, you know how much we love you. Lumaki tayo ng sabay-sabay at nakakahiya man pero mas matino ka pa saakin kahit na mas matanda ako saiyo. I'm forever thankful that you became my brother. I only wish your happiness." naiiyak na sabi ni Kleif kaya binatukan ko siya.
"You're disgusting Kleif!" saway ko ngunit hinalikan niya ako sa pisnge dahilan upang maghiyawan ang mga tao na nanunuod sa amin.
"awwwww! Ang sweet!" ani ng iba.
"Hehey!!! Broooooo! I have nothing to say other than you are old haha! Happy birthday!" masayang bati ni Cyrus at niyakap ako ng mahigpit.
Sa totoo lang gusto kong maiyak dahil sa nararamdaman ko talagang mahal na mahal nila ako na parang tunay na kapatid kaso ayoko namang magmukhang bakla sa harapan ng maraming tao.
'You have to stay cool in front of them Drev!'
"Hoy! Ako pa!" biglang singit ni Phillene.
"Kalma gurl! Hindi ka mawawalan ng chance!" saway ni Kleif sa kanya.
"Letche ka Joson!" mura niya na parang walang pakealam sa nakapaligid niya.
"Bigay mo na regalo mo! Wala ng wish wish baka magselos ang jowa nyan lagot ka! Nasa teritoryo ka pa naman!" tugon ni Kleif at talagang hindi na sila nahiya dahil gumamit pa talaga sila ng microphone.
Akmang magsasalita pa sana si Phillene ngunit may nagsalita, "no one can control the desire of the heart Kleif. Let her speak what she wants." singit ni Vhastiana gamit din ang microphone.
Nag-angat ako ng paningin at nagtama ang aming mga mata. Damang-dama ko ang senseridad sa kanyang mga mata na tila na kahit anong gagawin ni Phillene ay maiintindihan niya.
'Why you are so understanding and considerate Vhastiana?'
"Si Vhastiana na nagsabi kaya pwede bang tumahimik kana Joson?!"
"Whatever!"
Humarap sa akin si Phillene, "wala na akong ibang nagugustuhang lalaki kundi ikaw lang. Huwag kang mag-alala hanggat hindi pa kayo kasal hindi ako susuko. Nawa'y maging maligaya ka sa kaarawan mo at sana maging akin kana." seryosong sabi ni Phillene na nagpatahimik sa mga bisita.
"If that's what you really want Samonte, feel free to ask for help to me. I would definitely teach him to love you." nakakalokong sabi ni Vhastiana at naglakad palapit sa amin.
Nagtaim ang mga bagang ni Phillene, "and you're really overconfident ha?"
"Of course. But even though you'll get him from me, no one can erase the fact that he loved me first before you and anyone." ngising-ngising sabi ni Vhastiana habang nakatingin sa mismong mga mata ni Phillene.

BINABASA MO ANG
LINKED HEARTS
RomansaIt's all about the story of a woman that has a fear of falling in love and a man with the fear of beautiful woman. Genre: Romance and youth