Chapter 10
Halos tumakbo na ako para lang maabutan si Gremlin na naglalakad. Isang hakbang niya lang nga halos tatlong hakbang ko na.
"Gremlin!"
Nauubusan na talaga ako ng pasensya dahil kaina pa ako naiinis sa kanya. Hindi man lang lumingon nung tinawag ko siya.
"Hoy Laviendo! Ibigay mo sa akin yang mga napkin!"
'Yeaaahhh!! Nakakahiya!'
Napahinto siya at awtomatikong napaharap sa akin. Sinuot ko ng maayos ang shade ko upang hindi makilala dahil sobrang dami ng nakatingin sa amin. Nasa gitna pa naman kami.
"Uy brad napkin daw ng jowa mo ibigay mo."
"Miss ako nalang jowain mo bibihan kita kahit isang libong packs pa ng napkin gusto mo!"
"Witweeew!"
Inis na napabuga ako ng hangin nung may limang lalaki ang huminto sa harapan ko na nakangisi pa na parang nauulol.
Humakbang ako papalapit sa kanila at tsaka namaywang. Wala sana akong panahon upang patulan ang mga gagong kauri nila pero mas ginagalit pa nila ako.
"Paano kung sampalin kita ng napkin taba?" sarkastikong tanong ko habang nakataas ang kilay.
"Okay lang miss basta sayo. Hihihi!"
"Tang-ina tinawag ka na ngang taba gusto mo pa rin yan pre?" inis na sabi naman ng isang lalaki na may kulay pulang blonde.
"Mas mabuti na ngang tinawag kong taba kaysa baboy yang kasama ninyo eh! Alis!"
Sapalitang tinabig ko sila at tsaka dumaan sa gitna. Ngunit hindi pa man ako nakakahakbang ng tatlo may humigit sa bag ko at hinila palapit sa kanila.
"Hinayaan kitang insultuhin ako dahil maganda ka pero hindi ka pwedeng umastang mas malakas ka sa amin dahil kaya naming punitin 'yang mga suot mong damit." banta ng mataba.
Tumawa ako ng nakakaloko at umaktong natatakot.
"Hindi ko alam na umaasta akong mas malakas sainyo taba. Ganon pala umasta ang mga malalakas? Paulit nga."
Mabilis na binunggo ko sila at tsaka bumalik sa pwesto ko kanina. Tinanggal ko ang suot ma shade at tsaka binigyan sila ng nakakalokong ngiti na tila ba nanghahamon.
"Seems like you're having fun with them. I think I should go to university alone? See you there."
Nawala ang ngisi ko nung nagsalita si Gremlin na hindi ko napansing kanina pa pala nanunuod sa eksena. May iba ring nagtataka kung anong ginagawa namin pero nilalampasan lang kami.
"Okay." tipid na tugon ko.
Pinakita kong wala akong pakialam kung iiwanan niya ako rito kasama tong mga duwag.
"Jeez! Sorry for her attitude dudes. Kailangan na naming bumalik sa university." pormal na kinausap ni Gremlin ang mga lalaki.
"Ayos lang. Hayss! Mga babae nga naman." tugon ng mataba at tsaka umiling sa akin bago umalis.
Sinalubong ako ng masamang tingin, umuusok na ilong at taim bagang ni Gremlin. Ito na naman ang striktong mukha niya.
"Don't blame me. Kung sana lumingon ka kanina hindi ako malalagay sa ganong sitwasyon! Akin na nga!"
Hinablot ko ang dalawang plastic bags at tsaka tumakbo palabas ng mall. Mabuti nalang at naka pag booked na ako mg taxi kaya saktong pagkalabas ko nandoon na.
BINABASA MO ANG
LINKED HEARTS
RomansaIt's all about the story of a woman that has a fear of falling in love and a man with the fear of beautiful woman. Genre: Romance and youth
