CHAPTER 39

13 1 0
                                    

Chapter 39

Nakarating kami sa isang mamahaling restaurant. Dalawa lang kami ni Gremlin sa sasakyan niya. Kanina pa ako patagong tumitingin sa kanya. Sobrang nakakabighani ang suot niyang kulay itim na denim at naka tuck-in na kulay pink na polo. Ang mas nakaka-attract e yong suot niyang silver na kwentas tapos halfmoon and half star ang pendant.

'Naka gucci pa na belt! Yaman!'

Pakiramdam ko mas lalo akong nahuhulog sa kanya dahil napaka fashionista nya. Alam mo yong porma.pa lang nakakakilig na? Ganoon sya! Gusto-gusto ko nga siyang gawing keychain.

"Is there something on my face?" takang tanong niya. Napatingin pa sya sa rear mirror.

Napaiwas ako ng tingin dahil nakangisi na sya ngayon na abot hanggang tenga.

"That's okay. This is yours anyway. Feel free to stare on it." seryoso ngunit alam kong inaasar nya ako.

"Really? That's very pretty." patay malisy kong sabi na mas lalong ikinangisi niya.

"I know." he said.

Unti-unti akong lumapit sa kanya nung nakalas ko na ang seatbelt. Pigil tawa akong lumapit hanggang sa napapikit sya.

"Where did you bought your earing?" seryosong tanong ko.

Dismayado siyang napamulat ng mata na para bang may inaasahan na mangyari pero wala pala.

Hinawakan ko ang earing niya na kulay silver. Halatang mamahalin. Hindi naman sa hindi bagay sa kanya pero mas gwapo kase syang tignan kapag walang piercing.

"Italy. Do you want it?"

Walang pag-alinlangan akong tumango sa kanya dahil bakas sa ekspresyon nya na ibibigay niya talaga sa akin.

Napangiti ako nung nakitang tinatanggal niya ang suot na piercing.
Kinuha ko ang suot kong kulay silver na earings habang tinatanggal nya ang sa kanya.

"You sure you want to have it? Isa lang to?" sabi niya naman ulit.

"It's okay." sabi ko.

Kinapa nya ang kaliwang tenga ko. Napakagat labi ako nang maramdaman ang kamay niyang nanginginig habang sinusuot ang piercing niya.

"I'm sorry. Kinakabahan ako." he said awkwardly.

"Why do you wear piercing?"

"Because I love to..." sagot niya, napatango ako at nag-isip kung tama bang kukunin ko ang peircing niya.

"I want you to wear mine."

Binuklad ko ang palad ko tsaka inabot ang isang pares na earings ko. Hindi naman siya literal na pambabae talaga dahil pwede naman sa kanya.

"That's looks expensive." sabi nya at hindi kinuha sa kamay ko.

Umusog ako ng kaunti tsaka maingat na sinuot sa kanya ang isang earing ko.

"Walang butas ang isa?" kaswal na tanong ko.

"None. I only wear one."

"Okay then, I'll wear it." sabi  ko nalang.

Takang napatingin ako sa kanya dahil parang tanga siyang ngumingiti habang hinahawakan ang earing na isinuot ko sa kanya.

"I love it. I will wear it forever." masayang sabi niya.

Halos tumugil sa pagtibok ang puso ko nung makita kung gaano ka ganda at tamis ang ngiti niya. Simpleng bagay lang ang binigay ko ngunit parang ito na yata ang pinakamagandang nataggap nya.

LINKED HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon