Chapter 22
Hydrev Gremlin POV
Mabilis na lumipas ang isang linggo at simula noong isinugod ako sa hospital hindi ko na pinapansin si Vhastiana. Kahit saang lupalop kaming magkakasalubong umiiwas ako, pakiramdam ko nga eh nahahalata niya na kaso kung hindi ko naman siya iiwasan alam kong mas lalong sumama ang pakiramdam ko.
Mas lalong ayokong magalit ang mga kaibigan ko dahil una sa lahat alam kong nag-aalala lang sila sa kalagayan ko. Pinangako kong tsaka ko na lang ipagpapatuloy ang personal agenda ko kay Vhastiana kung alam kong kaya ko na siyang harapin ng hindi nahihimatay.
'Mukha ka talagang bakla Hydrev!!!'
Araw ng linggo ngayon, tutal wala naman masyadong gawain nag jogging ako sa loob lang ng village namin. Marami na ring nag jogging na kagaya ko. Pawis na pawis ang buong katawan at hinihingal akong huminto muna pansamantala. Tatlong buwan na kaming pumapasok kaya kailangan kong maging physically fit dahil palapit na ng palapit ang intramural.
Masyadong busy ang buhay ko idadagdag pa ang mga gawain namin sa major subject namin sa architecture design 5 at building technology 3. Araw-araw apat na oras ang klase namin sa major, isang oras na lecture and the remaining hours will be the time to make our activities.
Matapos akong nagpahinga pumanhik na rin akong tumakbo pauwi sa bahay. No one who's there with me to do my house hold chores so I had no choice to ordered food again for breakfast. Kailangan ko na rin mag laba dahil tambak-tambak na ang mga kailangan kong labhan. Minsan lang ako nag papalaundry dahil masyado akong strikto pagdating sa mga kagamitan ko.
Habang wala pa ang delivery boy, nag shower muna ako at nag suot lang ng jogging pants. Wala namang masama kung hindi magsuot ng damit pang itaas dahil wala namang makikita sa akin.
*dingdong!dingdong!*
Sinablay ko ang tuwalya sa balikat ko nung marinig ang huni ng doorbell. Mabilis na binuksan ko ang pintuan at nagulat ako kung sino ang bumungad sa akin.
"Why are you here?" seryosong tanong ko kay Vhastiana na may bitbit na apat na paperbags. Nakasuot pa ng orange dyed loose shirt, black knee shorts at talagang naka Dior sleeper pa.
'Ang sosyal naman ng pambahay niya!'
Imbes na sumagot, ang lakas ng loob niyang tinulak ako sa balikat upang makapasok siya ng malaya. Hindi man lang nailang nung nakitang wala akong damit.
'I'm not saying that I am seducing her!'
"I cooked food for breakfast."
Sinundan ko nalang siya papunta sa kusina ko. Hinayaan ko siyang ilabas ang mga laman ng lunch boxes sa ibabaw ng lamesa. Amoy na amoy ko ang masarap na mga pagkain na tila inaakit akong kainin sila.
"Who says that you are welcome here? Aren't you ashame for invading someone's house?!"
Bahagya siyang napangisi at padabog na binagsak ang isang lunch box tsaka tumingin sa akin ng masama.
"How come you called it as an invading where in fact you let me in?"
"I didn't let you in! You're the one who entered my house without my permission!" sigaw ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
LINKED HEARTS
Roman d'amourIt's all about the story of a woman that has a fear of falling in love and a man with the fear of beautiful woman. Genre: Romance and youth