Chapter 50
Pumunta ako sa cafeteria upang kumain ng snacks. Ayokong sumama sa team dahil mas lalo lang akong mawalan ng ganang kumain. Coincidentally namang nagkasalubong kami ni Vhastiana na naglalakad habang nasa bulsa ang dalawang kamay. May nakasablay pa na transparent belt bag kung saan makikita ang kulay puting panyo, wallet, cellphone at box ng ear pod.
"Are you here to eat snacks? Let's find a table, it's my treat." aya ko sa kanya.
Wala siyang imik na sumunod sa akin. Naka pokerface pa rin ngunit maraming nakatingin sa kanya. Hindi na ako nagtataka dahil mala dyosa ang angking ganda niya. Maraming mga university beauty ang nandito but compare to Vhastiana, walang-wala ang ganda nila.
"Kelan laro mo?"
"Tomorrow afternoon, 50m freestyle." sagot niya.
Umupo siya sa upuan, "what do you want eat?"
"Anything will do."
Tinanguhan ko siya tsaka bumili na ng pagkain. Thousands of students ang kasya sa cafeteria nila. Marami ring kumakain na galing sa ilang university. May mga nagpapansin sa akin kaso wala talaga ako sa mood today. Turo lang ako ng turo at binarayan na sa cashier.
Dinala ko sa lamesa namin ang mga pagkain. Nagpatulong pa ako sa service crew dahil medyo marami ang binili ko. Kulang ang kinain ko kanina kaya alam niyo na kailangan kong bumawi.
"You must be disappointed watching our game?"
"I didn't watch the game."
Masyadong direct to the point talaga sumagot tong babaeng ito. Tumango nalang ako dahil maging ako ay nakita siyang madalas naglalaro ng rubics cube tapos nakapikit habang nakasandal sa upuan.
"Hehe." nahihiyang sagot ko.
Kinuha niya ang chopstick sa tray at tsaka naglagay na rin ng pagkain.
"Actually I'm not fond of basketball team. I'm not interested in it. Wala akong ganang manuod lalo na kanina. I'm just listening to other students what happened. Hindi ko na kailangan manuod dahil katabi ko ang coach ninyo. I'm sure he is disappointed but he kept on saying na wala lang kayo sa wisyo. Malaki ang pinanghahawakan niya na makakalaro kayo sa championship."
Napatigil ako sa pagsubo dahil unang-una gusto rin namin makapaglaro sa championship pero masyadong mabigat at mahirap para sa amin na may kasamang babae.
"Nakakatawa lang dahil all of you got distracted with your opponents dirty tricks. You know what I mean." sabi niya sabay tawa ng mahina.
I know better what she is trying to say, I admit we really got distracted by their dirty tricks which is the bouncing boobs. Nakakailang pa. Nag take advantage ang mga putek!
"What do you want to eat?"
Awtomatikong napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Walang iba kundi kay Hydrev. Pinasiringan ko sya ng mata nung makitang magkasama pa rin sila ni Marichu.
"Stop staring at them. You need to eat first baka lalampa ka sa susunod na laro." pabirong wika ni Vhastiana at nilagyan ng karne ang plato ko.
Kumunot ang noo ko dahil harap-harapan siyang ginagago ng kaibigan ko ngunit parang wala lang sa kanya.
"You are here? Feel free to share table with us." Vhastiana sounds friendly. Walang ibang mahihimigan sa boses niya. Hindi nagseselos at hindi rin galit ewan ko ba kung bakit ganito siya.
"You're so considerate miss but seems like Kleif doesn't want us to share with you." ngiting saad ni Marichu.
"Sit down. I'll buy some foods." utos ni Hydrev sa kanya na mas sinamaan pa ng tingin si Vhastiana na wala namang ginagawa sa kanya.
BINABASA MO ANG
LINKED HEARTS
RomanceIt's all about the story of a woman that has a fear of falling in love and a man with the fear of beautiful woman. Genre: Romance and youth