Kabanata 2

2K 35 0
                                    

Kabanata 2

Isla


Naramdaman ko ang sakit ng ulo ko ng magising ako kinaumagahan. Napuyat yata ako kagabi dahil sa trabaho namin ni Berna pero worth it naman ang lahat kasi may pambayad na ako sa tuition fee!

Awee!

"Aba, oy Andeng! Gising ka na at magtinda na tayo!" sigaw ni Berna na nasa labas na pala ng kubo.

Bumalikwas ako sa pagkakahiga at nagmamadaling nag-ayos sa sarili bago ko kinuha ang mga paninda ko na mga gulay. Hinatid siguro ito ni Lola Iska habang tulog ako. Hay naku! Nakaabala pa tuloy ako kay Lola.

"Hoy! Angel! Bilisan mo!" matinis na sigaw ni Berna.

Oh my goodness! My ears!

"Sandali lang, Berns!" nagmamadali akong kumuha ng bayong para ilagay ang mga gulay at prutas.

"Argh! Bilis!" atat niya pa.

Napairap na lang ako bago kinuha ang bayong na puno ng gulay at prutas at isang maliit na balde ng isda. Naabutan ko doon si Berna na nakasimangot sa akin, dala niya din ang mga gulay ng Inay niya para ibenta sa palengke.

"Masyado ka yatang nawiwili sa pagtulog mo ah? Napanaginipan mo ba si Mr. Pogi?" tumili siya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Paniguradong may girlfriend 'yon."

"Ha! Paano mo nalaman, Angel?" ngumisi na siya.

"Tawagin mo na lang akong Andeng, bakla." irap ko pa.

"Ows? Badtrip ka, Andeng?" ungot niya pa.

"Shut up nga!" naiinis na angal ko.

"Ba't ka galit oy? Hala siya! Don't tell me nagmo-move on ka na? Bakit? Totoo ba 'yong sinabi mo na may girlfriend na ang lalaking 'yon?" ngumisi siya sa akin. "Nanghihinayang ka?"

"Ang aga 'mong manira ng umaga 'no?" nainis ako bigla.

"Sorry naman," sumimangot siya.

Ngumuso ako at napayuko na lang, nabalitaan ko kasi sa mga kasama kong waitress kagabi na may kasintahan na daw 'yong lalaking nagligtas sa akin. Sayang naman, gustong-gusto ko pa naman siya.

Siguro nga totoo 'yong kasabihan na 'Hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo.' Nakakalungkot lang talagang isipin na may nagmamay-ari na sa kanyang iba. Okay then, support ako.

"Nandito na tayo, Berna." nag-iwas ako ng tingin. Hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon.

"Oh siya, Andeng." ngumiti siya. "Sabay na tayong magbayad ng tuition mamaya ha? Maaga tayo para makasama tayo kina Mang Armando para mangisda, wag ka ng malungkot, mahal na prinsesa."

Ngumuso ako. "Aba'y ewan sa'yo, Bernardo. Oh siya, sige na."

Magsasalita pa sana siya ng dumiretso na ako sa pwesto ko kaya sumimangot na lang siya. Suminghap ako bago ko ipinarada ang mga paninda ko, ngumiti ako ng lumapit agad si Aling Cecilia sa akin.

"Isang kilong pechay at isang kilong bangus, Andeng." ngumiti sa akin si Aling Cecilia.

"Ay, Ate! Ikaw ang kauna-unahan kong costumer kaya may free pechay bundle ka sa akin!" tuwang-tuwa ako habang inilagay ang pechay at isda sa disposable plastic.

"Ay alam ko naman 'yan, Andeng. Kaya nga ang turing sa'yo ng buong barrio ay prinsesa namin. Napakabait mo kasing bata at matulungin pa." chika naman sa akin ni Aling Cecilia.

"Naku, Aling Cecilia. Binobola mo na yata ako ah. Wala na akong paninda." tumawa ako.

"Ay totoo 'yon, Andeng. Oh siya, mauna na ako ine at magluluto pa ako ng tinola." paalam ni Aling Cecilia sa akin.

Under His Chains (Secret Island Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon