Kabanata 1
Simple
When the sun shines brightly tho the moon hides from the dark.
"Daing po kayo diyan! Daing!"
"Oy Andeng! Pabili isang kilo hehe, ang ganda mo hehehe." lumapit si Benong sa akin, siya ang masugid kong manliligaw.
Na wala naman akong balak sagutin!
Sorry not sorry! Hindi ko talaga siya type bukod sa gilagid niya. Lols.
"Ano naman ang kinalaman ng daing sa kagandahan ko, aber?" natutuwang tanong ko.
"Basta ang ganda mo lang, Andeng. Pakiramdam ko sugo ka ng anghel na bumaba dito sa lupa hehe." nahiya pa siya.
Natatawa ako sa inasal niya, napakajejemon talaga ng lalaking 'to. "Ay ganoon? Hindi ako sugo ng anghel, Benong..."
Gulat naman siyang tumingin sa akin. "Huh?"
"Sugo kasi ako ng diablo, pinadala niya ako dito para patayin ang mga tao dito sa Santa Elena." mas seneryoso ko ang boses ko dahilan para makitaan siya ng takot.
Ahahahaha!
Izza prank lang eh.
"Oy, Benong? Hello?" pinitik ko ang kamay ko sa harap niya dahilan para matauhan siya.
"D-Diablo... A-Anak ka ng diablo! Waaaah! Ayoko na sayo, Andeng! Pinadala ka pala ng demonyo dito waaaah!" nagtatakbo na siya sa sobrang takot.
"Oy, Benong! Hahahaha! Bumalik ka dito! Nakalimutan mo ang daing mo oy!" natatawa ko 'pang tawag.
"Ayoko na, Andeng! Sa'yo na lang 'yan at baka mamatay pa ako! Oh heto na bayad ha?" nilapag niya ang pera sa may bato. "Alis na ako! Ayoko na sa'yo! Ayoko ng makipagkaibigan sa'yo!"
Humalakhak ako sa sobrang takot niya. "Edi don't!"
Inayos ko ang mga daing ko bago naglakad papunta sa hacienda. Ngumiti ako ng pagmasdan ang mga bukirin. Ang ganda talaga, hindi ako magsasawang tingnan ang mga lugar na 'to. Isa ito sa mga ikinabubuhay namin dito sa Antique.
"Mano po, Lolo Isko!" nilapitan ko si Lolo Isko bago nagmano sa kanya na kagagaling lang sa pag-ani ng mga palay.
"Kaawaan ka ng panginoon, 'neng." ginulo niya ang buhok ko. "Nandyan ka na pala Andeng, kamusta naman ang pagbebenta mo ng daing?"
Ngumiti ako kay Lolo Isko. "Naubos ko na po!"
"Oh? Ang galing talaga ng prinsesa namin dito sa Santa Elena, oo!" ginulo naman ni Lolo Isko ang buhok ko.
"Andeng! Dalhin mo si Lolo Isko mo dine at ng magtanghalian na ine!" masayang tawag ni Lola Iska sa amin na nasa kamalig na.
"Sige po, La!" sagot ko naman.
Sabay kami ni Lolo Isko na pumunta sa kamalig nila ni Lola, maraming pagkain ang niluto ni Lola para sa pananghalian ng mga tao sa hacienda kaya tuwang-tuwa ang lahat ng magsasaka.
Hindi mawala ang ngiti ko ng pagmasdan sila ni Lolo Isko at Lola Iska, kahit matanda na sila ay pinaramdam pa rin nila na mahal nila sa isa't isa. Ako kaya? May magmamahal pa ba sa akin? Wala naman akong pamilya.
Malungkot akong napangiti ng maalala ang mga magulang ko, hindi ko man lang sila nasilayan bago ako isinilang. Ang sabi kasi ng mga tao dito na dayo daw ang mga magulang ko at ng ipanganak ako ay binilin lang nila ako sa kubo na malapit lang naman dito.
Hindi ata nila ako mahal.
Pero ang sabi naman nila Lola Iska ay mahal daw nila ako.
Hayy.
BINABASA MO ANG
Under His Chains (Secret Island Series #1)
RomansaSecret Island Series #1 Kara, was a simple girl who have dream living in a simple life with the person who will love her infinity and beyond. Until her world turns upside down when she meet the man who can change her, who made her lied because of lo...