Kabanata 27

1.3K 16 0
                                    

Kabanata 27

Escape

Hindi mawala ang ngiti ko ng pinasadahan ang singsing sa ring finger ko, hindi ko na mapigilang yakapin ng mahigpit si Kier. Masayang-masaya ako. I am happy that finally found someone, may magmamahal na sa akin ng walang pag-aalinlangan.

Nakauwi kami ng mansion ni Kier pero hindi na namin nakasabay sila Shann, ayos lang ba sila? Bakit hindi sila sumabay sa amin?

Tahimik ang buong kabahayan kaya napagpasyahan kong umakyat sa taas, kumunot ang noo ko ng walang tao dito. Akmang papasok na sana ako sa guestroom ng may humila sa akin papunta sa veranda.

"Ano ba!?" bulyaw ko.

"What did you say to my wife huh!?!" galit na galit si Lyle na hinawakan ako ng mahigpit.

Marahas kong hinila ang pulso ko ng mahawakan niya ito, isang malamig na tingin ang ipinukol ko sa kanya. Ano na naman ba ang problema niya? Will he hurt me again?

"Ano na naman ba ang problema mo sa akin Lyle huh!? Ano na naman ba 'to? Sasaktan mo na naman ba ako!?" hindi ko na mapigilan ang magtaas ng boses.

"Anong sinabi mo sa asawa ko?!" bulyaw niya.

"Mygoodness! Lyle!? Wala akong alam at wala akong sinabi! Problema niyo na 'yan, nananahimik ako dito! Goodness! Wag niyo na akong idamay sa lahat ng problema niyo pwede ba!?" sigaw ko din.

"Makikipaghiwalay na siya sa akin para pakasalan kita! Ano 'to, Kara!? You're pulling your stunt again to get me huh!? Hindi ka pa ba nakukuntento sa kapatid ko!?" tinulak niya ako kaya napaatras ako.

Agad ko siyang nilapitan at binigyan ng mag-asawang sampal, galit na galit ako at parang anytime ay makakapatay na ako. Anong karapatan niya para magsalita sa akin ng ganoon!?

"Your so full of yourself, Lyle." madiin kong tugon. "Kahit kailan ay hindi ako naging desperada sa mga bagay na hindi na pwede, isa lang 'yong pagkakamali ko at 'yon ang mahalin kita. I regretted that I loved you! Sa tingin mo ba ay hindi ako nakuntento sa kapatid mo? Do you think I still hold on to the past at umaasa pa rin ako sa'yo!? Inaamin ko, nagkamali ako pero pwede ba? Kalimutan mo na ang lahat?! Kausapin mo ang asawa mo at wag ako kasi oo sinabi niya sa akin pero hindi ako pumayag! Hindi ako kabit, Lyle! Wala man akong pamilyang kinagisnan pero ni minsan hindi ko hiniling na maging kabit o manira ng pamilya!"

"Hindi ko maintindihan kung bakit nandito ka, gusto mo 'bang maghiganti sa lahat ng nagawa ko sa'yo huh!? Kaya kinausap mo si Shann-" I cut him off.

"Hindi ko siya kinausap, Lyle." hindi ako makapaniwala na ganito siya kababaw mag-isip. "Ni kahit minsan hindi ako nagmakaawa sa kanya na bitawan ka para bumalik ka sa akin. I told her! I loved you! And it was emphasized with 'ed' It means hindi na kita mahal ngayon, Lyle. Sana ipaintindi mo 'yan sa asawa mo at tigilan niyo na ako, I hope this is the last time that you will comfront me regarding in this matter."

Tumalikod na ako sa kanya at akmang maglalakad na sana ng magsalita siya.

"I don't believe you, hindi mo mahal ang kapatid ko dahil hanggang ngayon ay mahal mo pa rin ako, Kara." malamig na sabi niya. "Ginamit mo lang siya para pagtakpan ang totoong nararamadaman mo para sa akin."

I sighed weakly. "Mahal kita? Lyle, wag na tayong maglokohan oh. May asawa ka ng tao at hindi ako ganoon katanga para ipagpatuloy ko pa ang pagmamahal ko sa'yo ngayong may asawa ka na! Hindi ako 'yong tipong babae na hahabulin ka pa kung alam ko naman na maging kabit ako, hindi ako 'yong tipong tao na iisa lang ang mamahalin. Hindi na kita mahal, Lyle Hidalgo. At kahit kailan ay hindi na kita mamahalin, I promised myself na hindi na ulit ako iibig sa'yo. Hinding-hindi na."

Under His Chains (Secret Island Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon