Kabanata 18
Afar
Ngumiti ako ng madatnan ko si Berna na nagbabalat ng mangga para sa akin, hanggang ngayon ay naglilihi pa rin ako kahit malapit ng lumabas ang anak ko. Ang weird lang pero hindi ko talaga mapigilan eh.
"Masakit pa rin ba ang tiyan mo?" nagaalalang tanong sa akin ni Berna. "Pumunta na lang kaya tayo sa hospital? Papunta na si Ma'am Alex dito at tsaka si Savi at Kier, sinabi ko kasi na kagabi pa sumasakit ang tiyan mo eh."
Oo nga pala, masakit ang tiyan ko kagabi at medyo kumikirot pa rin siya ngayon. Naglakad-lakad nga ako eh at baka mawala lang siya kapag isubok kong ilakad pero mas lumala pa ata, pakiramdam ko tuloy ay manganganak na ako anytime. Ugh! Hindi pa naman siguro diba?
Wala sa sariling nilantakan ko ang mangga na binalatan niya bago siya iniwan doon, sumasakit pa kasi ang tiyan ko. Wait! Lalabas na ba 'to ngayon? Am I in labor? Hindi naman siguro, diba?
"AAAH!" tumili ako ng maramdaman na naiihi ako.
"Oh my gosh?! Kara, manganganak ka na ata!" natataranta niyang tugon.
Pumikit ako sa sakit habang inaalalayan niya ako. "Tawagin mo 'yong komadrona, please. Hindi ko na kayang bumyahe kasi naramdaman ko na 'yong ulo!"
"Oo na! Halika, pumunta tayo doon!" natataranta na din siya.
"Jusmiyo! Anong nangyayari?" gulat na sinalubong kami ni Lola Iska.
Napakapit ako kay Berna ng maramdaman ang sakit sa sinapupunan ko, as in masakit talaga siya. Halos mawalan na ako ng malay ng makarating na kami sa kwarto, mabuti na lang at dumating na din ang komadronang magpapaanak sa akin. Naramdaman ko ang antok sa sistema ko, napapagod na ako.
"Is she okay!?" gulantang na pumasok si Savi at Mama sa kwarto kasabay nila si Kier.
Napapikit ako at napaiyak na lang ng maramdaman ang sakit talaga ng tiyan ko, lumapit si Kier sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. He's giving me assurance that's it was okay kahit masakit na.
"Kier, a-ang sakit ng tiyan ko..." humikbi ako.
"Shhh, tahan na. I'm here." hinawakan ng mahigpit ni Kier ang kamay ko.
Medyo hinilot ng komadrona ang tiyan ko kaya medyo napapikit ako dahil sa sakit no'n, hindi ko na ata kaya. Shit!
"Aaaahh!" umiree ako ng maramdaman na lalabas na ang anak ko.
"Umiree ka pa, iha! Malapit na, sige pa!" marahang utos ng komadrona sa akin.
Umiree ako ulit ng maramdaman kong may lumabas sa akin na bata, pakiramdam ko ay nahati ako sa dalawa dahil sa sakit pero alam kong worth it ang lahat. I know my child is worth it.
"P-Patay ang bata, iha..."
Napalunok ako sa narinig ko sa komadrona, hindi ako nakaimik. Nagkusa na lamang bumagsak ang mga luha ko, hindi... Hindi pwede...
"Hindi..." humikbi ako.
"Iha, umiree ka pa. M-May isa pa..." untag ng komadrona sa akin.
Naiiyak na ako at pakiramdam ko ay pinagkait sa akin ng tadhana na sumaya kahit minsan lang, nawala na ang anak ko. Wala na 'yong batang magbibigay ng lakas sa akin para mabuhay pa dito. Hindi ko na kaya...
Wala sa sarili akong umiree ng marinig ang munting iyak ng bata, para akong nabato sa kinahihigaan ko. May isang bata 'pang lumabas sa sinapupunan ko, ibig sabihin ay...
"They are twins..." wala sa sariling lumuwag ang hawak sa akin ni Kier.
Nagkusang tumulo ang mga luha ko ng makita ang batang lalaki na hindi humihinga, kinuha ko siya at kinarga ko pa. Nagbabakasakaling mabubuhay siya, na babalik siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Under His Chains (Secret Island Series #1)
RomanceSecret Island Series #1 Kara, was a simple girl who have dream living in a simple life with the person who will love her infinity and beyond. Until her world turns upside down when she meet the man who can change her, who made her lied because of lo...