Kabanata 28
Run
Nagising ako sa isang madilim na lugar, sinubukan ko ang gumalaw pero mas humihigpit lang lalo ang tali kapag pinilit ko. Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang lalaking papunta sa akin, natamaan ng liwanag ang mukha niya kaya nakilala ko siya agad. It was Caden.
"Kara, kumain ka na." mahinahon niyang sabi sabay subo sa akin ng kanin.
Agad akong umiling at umiyak, ayoko na dito. Gusto kong hanapin si Shann para maka-uwi na kami. I don't want to stay here. Natatakot na ako.
"Anong kasalanan ko sa'yo Cade? B-Bakit mo 'to nagawa sa akin?" bumuhos ang mga luha ko.
"Shh, I'm really sorry." hinawakan niya ang kamay ko kaya pumiglas ako.
Ayokong ipahawak ang kamay ko sa taong tinalikuran ang pagkakaibigan namin, akala ko kaibigan ko siya pero niloko niya lang pala ako. Pinaniwala niya akong kaibigan ko siya pero in the end, he betrayed me. May plano pala siyang masama sa amin.
"Patawarin mo ako sa lahat, Kara. Makinig ka, itatakas ko kayo dito basta makisama ka sa akin. Trust me, makakaalis kayo dito." hinawakan niya ang magkabilang balikat ko para mayakap ako.
"Bakit mo ito ginagawa?" hindi ako matigil sa pag-iyak. "Hindi ako naniniwalang wala kang gagawin na masama sa akin!"
Magsasalita na sana siya ng bumukas ang pintuan at pumasok sila Bernard at Geo na nakangisi, hinila nila si Shann na nakatulala at wala sa sariling umiiyak. Halos matulala ako sa nakita ko sa kanya, puno ng dugo ang kanyang damit at puno siya ng pasa sa mukha at katawan.
"Anong ginawa niyo sa kaniya!?" wala akong magawa kundi ang umiyak.
"Ang sarap pala talaga ng asawa ni Lyle." ngumisi si Geo kay Shann.
"Hayop kayo! Anong ginawa niyo sa kaibigan ko?!" sigaw ko. "Mga wala kayong puso!"
Mas lalo akong naiyak dahil sa biglang paglapit sa akin ni Bernard at malakas akong sinampal.
"SHUT THE FUCKING FUCK UP, RHOANA! WALA KANG ALAM SA LAHAT!" dumagundong ang sigaw niya.
"Hindi, hindi ako 'yong prinsesa na hinahanap ninyo. Nagkakamali kayo." pilit ko.
Malakas na tumawa si Geo bago ako lapitan at mahigpit na hawakan sa panga, sinubukan siyang pigilan ni Caden pero agad humarang si Bernard para itulak ang kanyang kapatid.
"Kuya! Wag na wag mo siyang sasaktan!" pigil ni Caden pero hindi nakinig si Geo, mas lalong humigpit ang hawak niya sa akin.
"Alam mo ba ang buo 'mong pagkatao? Syempre hindi, Rhoana diba? Kung hindi ka lang naman niligtas ng putangina 'mong yaya ay malamang nasunog ka na sa palasyo noon. You are the lost crown princess of Greece! At alam mo ba kung anong mas nakakatuwa? Alam ni Alexandra Vizconde na buhay ang anak niya pero hindi ka niya pinuntahan dahil kung lumapit siya, ha! Agad kitang papatayin, Rhoana." mas lalo siyang ngumisi. "Hiniling namin sa mga magulang mo na pakapasok sa royal circle at ang kapalit ay ikaw pero anong ginawa ng magulang mo? Hindi sila tumupad sa usapan kaya heto ka ngayon, Rhoana. Hinahawakan na kita sa leeg dahil kung ayaw 'mong magpakasal sa kapatid ko ay ako mismo ang magpapakasal sa'yo! At hindi pa 'yan, gagawin kitang parausan bago kita tuluyang patayin."
Nanghina ako sa sinabi niya. "Mga hayop kayo, kaya niyo ako nilayo sa pamilya ko dahil sa posisyon na gusto niyo? At si Shann..."
"At kasama sa papatayin namin ang asawa ni Hidalgo." putol sa akin ni Bernard. "Pasikat maysado ang tarantadong 'yon, siya ang dahilan kung bakit iniwan ako ng taong mahal ko. Hindi ba Shann? Mahal?"
BINABASA MO ANG
Under His Chains (Secret Island Series #1)
RomanceSecret Island Series #1 Kara, was a simple girl who have dream living in a simple life with the person who will love her infinity and beyond. Until her world turns upside down when she meet the man who can change her, who made her lied because of lo...