Kabanata 8
Drunk
Suminghap ako ng malanghap ang sariwang hangin sa mga nadadaanan naming kagubatan ni Berna, napagpasyahan kasi naming dalawa na kumuha muna ng prutas dito sa fruit plantation bago kami pumunta sa kanila. I was left with no choice, sinamahan ko na lang siya.
"Mayayaman talaga ang mga Vizconde 'no?" rinig kong sinabi niya habang inaakyat ang puno ng mangga. "Ano kaya ang feeling kung anak nila ako?"
"Nge? Hanggang feel mo lang 'yan." tumawa ako.
Humalakhak siya sa narinig sa akin. "Walanghiya ka talaga!"
"Pero alam mo, ang swerte siguro ng mga anak nila 'no? They born having a golden spoon in there mouth. Hindi naman ako naiinggit sa estado nila pero alam mo 'yon, they seems to have everything without sweating. Hindi tulad natin." I shrugged.
"Hay naku! Bahala sila! Ang importante ay buhay pa tayo kesa naman sa mayaman ka kaso may sakit ka? Aber, mas gusto ko na lang maghirap 'no!" umiling pa siya.
"Agree, slight!" asar ko pa. "Oo nga pala, about sa contest ehem... Sasali pa ba ako?" nagaalangan akong ngumiti sa kanya. "Pwedeng mag-back-out na lang ako?"
"No!" tanggi niya pa. "Sayang naman 'yong mapapanalunan mo kung ayaw mo na! Five kyaw kaya 'yon, sakto na for allowance! Ano ka ba naman!"
Napaisip din ako. Well for me, sayang din 'yong five thousand na mapapanalunan ko if ever. Pffthahaha! Sure na sure ako ah?
"Alam ba 'yan ng 'asawa' mo?" diin niyang tanong. "Baka naman magselos 'yon haha!"
Sumimangot ako. "Hindi 'yan 'no. By the way, tutulungan mo ako tommorow huh?"
"Sige! Tara?" hinila niya na ako paalis.
Lumabas na kami sa fruit plantation bago magtungo sa kanila. Ngumiti ako ng maabutan namin si Nanay Caridad na Mama ni Berna na abala sa niluluto niyang bibingka, dito kasi kami dumaan sa kusina dahil masyadong maraming tao sa harap. Marami silang bisita, hinanap ko si Lyle at saktong nagtama ang tingin namin. May katabi siyang lalaki na kaedad niya rin, ngumiti siya pero agad akong nag-iwas ng tingin.
"Hoy! Galit ka!" siniko ako ni Berna.
"Hindi." matamlay kong tugon.
Pumasok na kami sa bahay nila Berna kasama si Nanay Caridad, ngumisi siya sa akin at niyakap ako. Niyakap ko rin si Nanay at bumati na din.
"Aba'y ang gandang dalaga na talaga ni Andeng oh! Balita ko eh may asawa ka na daw? Totoo ba 'yon?" gulantang na tanong ni Nanay Caridad.
"Nanay naman." natatawa pa ako.
"Hay naku, Nay! Kakain muna kami ni Andeng, nagugutom na kami." ngumuso si Berna.
"Oh siya, sige! Sige! Aasikasuhin ko muna ang Papa mo doon at halatang lasing na." ngumiti si Nanay at sinamahan kami sa hapagkainan. "Kumain na kayo ha, magpakabusog kayo."
Ngumiti si Nanay bago siya nagpaalam na pupuntahan ang kanyang asawa, ngumiwi si Berna ng makitang nakatitig ako sa labasan. Sumimangot ako dahil sa reaksyon niya.
"Bakit?" kumunot ang noo ko. "Maganda ba ako?"
Mas lalo siyang ngumiwi. "Iba 'yong ngisi mo, Kara. Halatang may plinaplano ka, wag mo ng ituloy."
"Gaga! Naisip ko lang na uminom tutal ay may magaalaga na naman sa akin kasi may asawa na ako!" humalakhak ako.
She rolled her eyes upwards. "May pageant ka bukas at tsaka diba pipili ka pa ng susuotin?"
BINABASA MO ANG
Under His Chains (Secret Island Series #1)
RomanceSecret Island Series #1 Kara, was a simple girl who have dream living in a simple life with the person who will love her infinity and beyond. Until her world turns upside down when she meet the man who can change her, who made her lied because of lo...