Kabanata 38
Lost
Sinamaan ko siya ng tingin ng makapasok siya sa room ko, naupo siya sa tabi ko habang ako naman ay nakasandal ang likod sa headboard ng kama, inirapan ko siya ng tumingin siya sa akin.
"Hindi mo pa ako sinasagot sa tanong ko sa'yo, Lyle. Anong ginagawa mo dito? Alam mo ba ang mangyayari sa'yo kapag nakita ka ng mga tauhan namin ha!? They will shot you dead! Naiintindihan mo ba!?" diin na angal ko.
"I don't care, Kara." malamlam ang mata niyang nakatingin sa akin.
"I am not your Kara anymore. I'm Rhoana Vizconde, wala na siya. At hindi na siya babalik." malamig na sabi ko. "She's nowhere now."
"Okay lang." mapait lang niya akong tinignan. "I am inlove with your better version now."
"I don't love you!" I spat. "Umalis ka na bago pa kita ipapatay sa mga tauhan namin! Umalis ka na!"
Hindi ko na mapigilan ang mapahikbi, tangina naman eh. Bakit ba kasi nandito siya? Naguguluhan na tuloy ang puso ko sa paasa na 'to. Ayoko na eh! Wala naman kasi siyang ibang ginawa kundi ang saktan lang ako.
"You! Umalis ka na! Lagi mo na lang akong pinapaiyak eh! Nakakasama ka na sa akin! Nakakasama ka sa anak ko eh! Alis! Hindi kita kailangan! I don't need you here!" lumayo ako sa kanya at tinulak siya palayo sa akin.
"Calm down, love. Please." marahan niyang pakiusap pero mas tinulak ko lang siya palayo sa akin. "Hayaan mo akong alagaan kayo---"
"I hate you!!" sigaw ko. "I hate you, Lyle! Please stop this, ang sakit na!"
"I'm sorry for everything. Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako, sabihin mo lang." marahan niyang tugon. "Come back to me please, I love you."
Ngayon lang ba niya nalaman na mahal niya ako? Ngayon pa ba na unti-unti na akong bumitaw? We're done, hiwalay na kami. Hindi na niya ako asawa. Ayoko na, suko na 'ko. Pagod na pagod na akong lumaban pa.
"Lyle, wag mo na akong paglaruan please." pagmamakaawa ko. "Kung gumaganti ka pa rin sa pagkawala ng asawa mo dahil sa akin---"
"Hindi ako gumaganti, Rhoana. Oo inaamin ko noon naisip ko 'yon pero hindi ko 'yon ginawa! Hindi ko 'yon sinasadyang sabihin sa'yo..." nahihirapan niyang sabi. "Mahal na mahal kita, matagal na."
"Sinungaling ka!" iyak ko. "Hindi mo ako mahal! Mas mahal mo 'yong sarili mo! Hindi ako! Your just staying at my side because of the baby right!? Hindi ko ipagdadamot ang anak ko sa'yo basta ba tantanan mo lang ako! Please!"
"Hindi kita bibitawan." pinal na saad niya. "Hindi ako susuko sa'yo, Rhoana. Hindi na ulit kita bibitawan kahit magbago ang lahat sa'yo. Kahit patayin ako ng pamilya mo, aalagaan kita at ang anak natin. Haharap ako sa mga magulang mo kahit lumuhod pa ako, babawiin ko lahat ng sakit na pinaramdam ko sa'yo. Kahit hindi mo na ako patawarin ay nandito lang ako palagi, mananatili ako sa tabi mo hanggang sa mapatawad mo ako." seryoso niyang tugon. "Hindi ako susuko ngayon, ako naman ang lalaban para sa atin Rhoana. Ipaglalaban na kita."
"Huli na ang lahat sa atin, Lyle. Hindi mo na mapapawi ang anumang sakit na naranasan ko." malamig ang emosyon na tinignan ko siya. "But I will give you a chance to be with us, hahayaan kitang alagaan mo ako at ang anak ko basta wag kang magtatanong ng kahit na ano sa akin. Wala ng tayo, Lyle at hindi mo na ako asawa kaya ang nananatiling koneksyon natin ay ang anak lang natin. At isa pa, gusto kong malaman mo na kapag nakapanganak na ako ay dapat umalis ka na sa buhay namin, pwede 'mong tanawin ang anak ko pero sa malayo lang. Hindi ka lalapit sa amin, naiintindihan mo ba ako?"
Bumagsak ang balikat niya bago tumingin sa akin at tumango. Malamig ko siyang binalingan ng tingin at minuwestra ang sahig, gusto ko siyang pahirapan mula ngayon.
BINABASA MO ANG
Under His Chains (Secret Island Series #1)
RomanceSecret Island Series #1 Kara, was a simple girl who have dream living in a simple life with the person who will love her infinity and beyond. Until her world turns upside down when she meet the man who can change her, who made her lied because of lo...