Kabanata 30
Revenge
Napatitig ako ng matagal sa citylights na nakikita ko mula dito sa balkonahe kung nasaan ako. I miss this place, may naramdaman akong may yumakap sa akin.
"Mama." tawag ko. "I'm sorry, hindi ako sumabay sa inyong magdinner. Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko."
Hinaplos ni Mama ang buhok ko at hinalikan ako sa noo. "We decided that you will stay here in Greece for good, your brother decided that you will enroll on Yale University."
Agad akong umiling. "Ma, I can't stay here. Uuwi ako ng La Santa, doon ako magtatapos ng pag-aaral. Nandoon ang buhay ko, Mama."
Suminghap si Mama at niyakap ako, I know as a Mom that she wants me to stay here to help me fully recover on my trauma but I can't. Naisip ko na kailangan kong harapin lahat ng takot ko, I need to face it. Ayoko na ulit maging mahina pa.
"Ayoko sana anak, I heard that you and Lyle will be marry soon?" biglang sabi ni Mama na ikinagulat ko.
Gulat akong napatingin kay Mama, anong kasal? Bakit hindi ko alam 'to?
"Mama..." umiling ako. "Hindi ko po kayo maintindihan, I have a fiancee-"
"Kahit ako, Rhoana. Ayokong pumayag sa proposal ni Senyora Mariana sa akin na ipakasal ka sa anak niya. Masyado 'pang maaga ang pagpapakasal at kalilibing lang ng yumaong asawa ni Lyle." may nagsalita sa likod ko kaya napalingon ako.
"K-Kuya Chain..." mahinang tawag ko bago umiling. "Kuya, ayoko. May fianceè ako."
"Ayokong pumayag, Rhoana." seryosong tugon ni Kuya. "You don't deserve a widowed man."
Natahimik kami ilang saglit bago umalis si Kuya at Mama, hindi pa din ako makapaniwala sa sinabi nila. Magpapakasal ako? Kay Lyle?
I know his plans, he wants revenge against me kaya niya 'to gagawin sa akin.
Pinagmasdan ko si Havien na naglalaro sa sahig, nilapitan ko siya at hinalikan sa labi. Napangiti ako ng kumibot ang kanyang labi at nakanganga lang na nakatingin sa akin.
"Uuwi si Mama sa La Santa, baby." mahinang kausap ko sa kanya. "Babalik si Mama para sa'yo."
"Mimimi!" she giggled before she put her finger in her mouth.
Hinalikan ko siya ulit bago kinarga at pinahiga na sa higaan na katabi ko, I embrace her. Agad naman siyang humilik ng lumipas ang ilang minuto, napapikit na din ako at tuluyan ng nagpahinga.
-
Kinaumagahan ay kinuha ko ang duffel bag ko para mag-ayos ng mga gamit para sa pag-uwi ko sa Pilipinas. Agad kong tinapos ang mga inaayos ko bago nagmadaling bumaba, sa hindi kalayuan ay nakita ko si Berna kasama si Isme na nakatingin sa akin.
Gulat akong tumingin sa dalawa, matagal na din noong nagkita kami lalo na si Isme na halos hindi ko na nakita simula ng pinapunta ko siya dito sa Greece kasama si Berna at Havien.
"Hala! Ikaw na ba 'yan, Kara? OMG! I miss you! Naaalala mo pa ba ako ha? Ako 'to si Isme! Miss na miss na kita!" dinamba niya ako ng yakap. "Shit ka, hindi na kita nakita ah?"
"Gago ka, miss you too. Saan ka ba kasi nagpunta? Bakit hindi kita nakitang nag-aalaga kay Havien ha? May jowa ka 'no?" panghuhuli ko.
"Nandyan lang ako sa tabi-tabi sist! At tsaka wala akong jowa 'no!" binatukan niya ako.
Nagkibit-balikat ako. "Okay, sabi mo eh."
Lumapit na si Berna sa akin at niyakap din ako, I sighed lightly. Pakiramdam ko ay may karamay ako sa lahat ng sakit na nararamdaman ko, nahihirapan pa rin ako hanggang ngayon. Mabigat pa din 'yong nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Under His Chains (Secret Island Series #1)
RomanceSecret Island Series #1 Kara, was a simple girl who have dream living in a simple life with the person who will love her infinity and beyond. Until her world turns upside down when she meet the man who can change her, who made her lied because of lo...