Kabanata 7

1.1K 19 0
                                    

Kabanata 7

Lies

Nilahad niya ang kamay niya sa akin, umirap ako pero tinaggap ko ang kamay niya sa ere dahil ayoko naman siyang mapahiya. So... Siya pala si Kier? What a nice name kaso mahangin naman siya. Duh?



"Matagal ka ng nakatira dito?" hindi mawala ang ngisi niya sa akin.



"Obviously, yes!" bulalas ko pa. "Nakita mo naman siguro noong muntikan mo na akong masagasaan diba? Nakauniform pa ako no'n galing school!"


Humalakhak naman siya. "Hanggang ngayon ba ay issue pa rin sa'yo ang muntikan kong pagkasagasa sa'yo na ikaw naman ang may kasalanan kasi tumawid ka?"

"What an ass." sarkastiko kong bulong bago lumayo sa kanya. "As if naman gwapo siya. Dzuh?"


"I'm handsome, Kara." mahangin niyang tugon.



Ngumiwi na lang ako bago siya iniwan, narinig ko pa ang tawag niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin pa. Pinuntahan ko si Denver na nandoon na sa mga kaibigan niya, ilang saglit lang ay nagpaalam na akong umuwi. Hindi pa sana siya papayag pero sinabi ko sa kanya na magtitinda pa ako kaya wala siyang choice kundi payagan ako.



Dumaan muna ako sa kubo para kunin ang mga gulay bago nagmadaling pumunta sa palengke. Ilang saglit lang akong naglakad takbo ay nakaabot agad ako, nakita ko si Berna sa pwesto ko. Halos naubos na ang mga paninda.


"Late ka na girl. Saan ba ang pormahan mo at ang ganda mo ha?" salubong niya sa akin.


Maraming tao ngayon sa palengke at medyo siksikan na, bisperas na kasi ngayon ng Santa Elena kaya panay ang dami ng tao. Nilagay ko ang mga paninda ko sa tabi ni Berna na agad namang pinuntahan ng mga mamimili, masyadong rush hour ngayon kaya ganon na lang ang pagmamadali.


"May pinuntahan lang." sagot ko naman kay Berna.



"Echosera, ganda." inggitera niya 'pang bulong.


Sa kabilang banda ay ang nagtitinda ng mga isda. Kahit fiesta ngayon ay dagsaan pa rin ang bumibili ng isda para gawing skabetche, iyon 'yong isa sa mga ipinagmamalaking putahe namin dito.



Hindi ko maiwasang mapatingin sa mga kargador para hanapin si Lyle, ang sabi niya kasi ay papalaot sila. Malamang nandito na sila ngayon sa loob ng palengke abala sa pagdidiskarga ng mga nahuling isda para itinda. Napanguso na lamang ako ng makita siyang may kargang malaking balde.


"Aba, aba, ang harot mo talaga ano?" tinig 'yon ni Berna.



I was stunned when I saw how his muscles flexed, nakatopless siya ngayon at tanging maong lamang ang suot niya na hapit na hapit pa sa maganda niyang pangangatawan. Fuck?



Wala sa sarili akong napalunok. "Putek, ang gwapo."



"Hoy! Andeng! Yuck, tumutulo ang laway mo beeetch!" tinulak niya ako kaya halos mapasubsob ako sa sahig mabuti na lang at napigilan ko. "Kadiri kang maharot ka!"



Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa panunulak niya. "Kung gusto mo, maglaway ka din!"




Humalakhak siya. "Tagina, landi pa more."



"Excuse me? Ako malandi? Sa kagandahan kong ito?" maarte kong tanong.



Ngumuwi siya bago tumawa. "Maganda nga kaso amoy patola haha!"


Agad ko siyang hinampas ng ampalayang nakuha ko. Akala mo naman kung sinong santo sa aming dalawa e pareho lang naman kaming maharot ah? Masama 'bang mag-imagine? Imagination lang ang limit!



Under His Chains (Secret Island Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon