Kabanata 37
Queen
The click of camera's and media's are all over the place when I walk to the red carpet for New York's fashion show. I only smiled when they greet me and asking me things about modeling.
"What is your new endorsement for this year, Miss Rhoana Vizconde? Are you ready for Dior's?" one of the media asked.
"Chanel." matipid na sagot ko. "I will endorse first the Chanel."
"Will you excuse us first? Save your questions later, ciao!" marahan akong hinila ni Elijah papunta sa table namin.
Ngumuso na lang ako at tinanaw ang chocolate fountain sa hindi kalayuan, parang gusto kong lanatakan ang lahat ng 'yon ah? Mukhang masarap!
"Eli! Chocolate fountain oh!" tinuro ko ang sinabi ko sa kanya. "Masarap yata 'yan, kuha ka doon please."
"Ayoko!" maldita niyang tugon.
Ngumuso ako at napahikbi na lang dahil sa pagtanggi niya sa akin, gusto ko lang naman 'yon eh. Kahit isang dip lang! Bakit ayaw niya?
"Kieeeer!" humikbi ako ng makita ko si Kier na papalapit sa akin, niyakap ko siya habang naiiyak.
"What happened?" lumambot ang ekspresyon niya. "Sinong umaway sa'yo?"
"S-Si Elijah, a-ayaw niya akong bigyan ng chocolate oh." tinuro ko si Eli na sumimangot lang.
"Bakit hindi mo kinuhanan, Eli?" si Kier naman sa mahinahon na tono. "Naglilihi siya."
"Ha?" gulat na tanong ni Elijah sa amin. "D-Don't tell me..."
"Oo! Tapos inaaway mo ako! Ayoko ng makipagkaibigan sa'yo, Eli! Ang sama mo! Inaaway mo ako!" mas lalo akong naiyak.
"H-Hey! S-Sorry!" natataranta na si Eli sabay paumanhin sa mga nakaagaw ng atensyon namin dito. "Hala, sorry!"
"Inaaway niya ako, Kier!" niyakap ko ulit si Kier.
"Shh, tumahan ka na." si Kier naman.
"Hindi kita inaway, Rhoana! Susuntukin talaga kita!" banta niya pa. "Naku! Kung hindi ka lang talaga buntis baka ilampaso kita dito. Ang arte mo!"
"Hay naku, Eli. Hayaan mo na." awat naman ni Kier kay Eli.
"Aish! Sige na nga, fine!" suko niya bago pumunta sa chocolate fountain para kumuha doon.
Agad akong ngumisi ng umalis na siya, kalaunan ay nasa harap ko na ang chocolate ko. Awiee! Ayan naaa!
Kinuha ko agad ang plate na may chocolate at nilantakan ito, sinabihan ko nga si Kier at Eli na magtake-out kami kung pwede? Pero mukhang ayaw nilang dalawa kasi pareho silang umiling. Hayy, ang sarap pa naman sana no'n.
"Turn around and click your bare fingers then smile!"
Sinunod ko ang sinabi ng photographer sa akin bago ako umikot-ikot sabay pitik sa aking daliri at ngumiti na din. Agad naman akong pinuri ng mga staffs sa ganda daw ng pagkuha. Ngumiti lang ako at nagpasalamat sa kanila.
"Kagagaling mo lang sa New York tas off to work ka agad dito? Baka mapaano si baby ha. Mag-iingat ka, wag 'mong pagurin o pabayaan ang sarili mo naku ha!" saway sa akin ni Marites.
Speaking of her, she is one of the staffs of this endorsement. Nagulat nga ako ng makita siya dito, matagal-tagal ko na din siyang hindi nakita at namimiss ko na siya ng sobra. Ang sabi daw kasi niya ay matapos niyang makapagtapos sa Santa Elena ay dinala siya dito sa Madrid ng Tita niya at tinulungan siyang maghanap ng trabaho. Hindi ako makapaniwalang magkikita kami dito, hindi ko inaasahan 'to at sobrang saya ko kasi nakita ko siya ulit.
BINABASA MO ANG
Under His Chains (Secret Island Series #1)
RomanceSecret Island Series #1 Kara, was a simple girl who have dream living in a simple life with the person who will love her infinity and beyond. Until her world turns upside down when she meet the man who can change her, who made her lied because of lo...