Kabanata 6
Stars
Inis na inis akong dumiretso sa bahay nila Lolo Isko, medyo iritado pa ako habang sinisipa ang maliit na batong nadadaanan ko. Humanda talaga sa akin ang lalaking 'yon kapag nakilala ko siya! Langya! Napakahangin niya! Amputek!
"Bakit naman nakasimangot ang magandang apo namin?" salubong ni Lola Iska sa akin.
Malaki ang ngiti kong bumati at nagmano kay Lola. Hindi ko nakita si Lolo Isko, paniguradong nasa palayan siya ngayon o hindi kaya'y nasa kabilang hacienda. Tinutulungan siguro ni Lolo ang mga tao sa pag-aani ngayon.
"Lola! Miss na miss na po kita!" niyakap ko si Lola Iska.
"Ay apo! Namiss din kita, halika at tamang tama na nandito ka. Nagluto ako ng bananaque at kamote." masayang ani ni Lola. "Hindi ba't paborito mo ang lahat ng ito?"
"Talaga po? Wow! Salamat, Lola Iska!" masayang sabi ko at excited na sumunod kay Lola.
Pumasok ako sa bahay nila bago ako iniwan ni Lola saglit para kumuha ng makakain, naupo ako sa upuan na may lamesang gawa sa kahoy. Mula dito ay amoy na amoy ko ang bananaque ni Lola Iska, namimiss ko na ang mga luto ni Lola. Matagal-tagal na kasi akong hindi nakakabisita dito.
"Matagal ka ng hindi nakakabisita dito apo ah?" panimula ni Lola. "Miss na miss ka na namin ng Lolo mo."
Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Lola kaya niyakap ko siya. Ako din. Namiss ko sila ni Lolo at Lola, sila lang ang pamilya ko dito at higit na nakakaintindi sa akin. Naramdaman ko man ang pagmamahal ng buong Santa Elena sa akin, higit sila ni Lolo Isko at Lola Iska na nagmamahal at umintindi sa akin.
Simula noong bata pa lamang ako ay sila na ang naging takbuhan ko. Nakita ako ni Lola noon sa kubo kung saan ako nakatira ngayon, iniwan ako ng totoo kong mga magulang ko doon. I don't know if are they still alive? Nasaan na kaya sila? Miss na miss ko na sila.
"Miss na miss ko din po kayo." naiiyak na naman ako.
"Nagdalaga na talaga ang Andeng namin, Oo. Minsan ka na lang dumalaw dito apo ah? Masyado ka yatang abala sa pag-aaral mo? O my boyprend ka ba?" natatawa na si Lola.
Namumula na ako at pakiramdam ko ay umatras ang mga luha ko dahil sa sinabi ni Lola Iska. Medyo half truth 'yon ah? Hindi ako nakasagot dahil agad kong kinain ang bananaque na nahawakan ko.
Hindi nawala ang ngiti ni Lola kaya napangisi na lang ako. Hindi ako kailanman naglilihim kay Lola kaya ikwekwento ko sa kanya 'yong nangyari this past few days baka sakaling matulungan niya ako o kahit konting advice lang.
"Lola, may nakita po akong lalaki sa tabing-dagat noong isang linggo..."
Naikwento ko kay Lola lahat at halos hindi siya makapaniwala sa ipinagtapat ko sa kanya. Ako din. Hindi ko inaakalang sa dami ng Isla dito sa Antique patungo sa Carles Iloilo at Punta Verde, naligaw pa siya dito sa Santa Elena.
"Jusko! Kamusta naman ang kalagayan ng batang nakita mo sa Isla? Ayos lang ba siya? Kaya mo ba pinapunta si Teo sa inyo dahil wala pa rin siyang malay tao noong nagdaang araw?" sunod-sunod ang tanong ni Lola Iska sa akin.
"Opo, Lola." tumango ako.
"Totoo din ba 'yang sinasabi mo na nagpakilala ka bilang asawa niya, Andeng? Hindi kaya delikado o mapapahamak ka niyan?" nag-aalalang tanong ni Lola.
"Hindi naman po siguro, Lola." nag-aalangan kong sagot.
Ngumiti naman si Lola Iska sa akin bago niya nilagyan ng juice ang baso ko, matipid din akong napangiti at naiilang na umiwas ng tingin. Aish!
BINABASA MO ANG
Under His Chains (Secret Island Series #1)
RomanceSecret Island Series #1 Kara, was a simple girl who have dream living in a simple life with the person who will love her infinity and beyond. Until her world turns upside down when she meet the man who can change her, who made her lied because of lo...