Kabanata 15

1.3K 24 0
                                    

Kabanata 15

Nowhere

I sighed as I walk towards him, nasa mall kami sa bayan. Napagpasyahan namin ngayon na mamasyal. Well it is my birthday now, ang hindi niya lang alam ay turning 18 pa ako. Hindi ko siya sinabihan kasi alam kong magtatanong siya.

I will tell him, mag-iipon ako ng lakas ng loob. Sasabihin ko sa kanya na hindi naman talaga niya ako asawa, na nagsisinungaling lang ako. I know it will hurt me a lot, but I guess that's a part of loving someone.

Lies, loyalty, forgiveness and pain. Hindi ko man aminin, alam ko na sa sarili ko na masasaktan ako. Na ako ang unang masasaktan sa aming dalawa kung sakali na malaman niya at magpasya siya na iwan ako. Bakit ko ba kasi nagawa 'to? Why am I hurting myself?

Pakiramdam ko ay itinulak ko ang sarili ko sa bangin ng sadya dahil sa ginawa ko.

Ganon na ba talaga ako kalala? Ganito ba talaga ako magmahal? Masyadong mapanakit?

"Mahal kita, Vin." tinig ko 'yon. "Tandaan mo na kahit na anong mangyari, mamahalin at mamahalin pa rin kita."

"Mahal din kita, Kara." ngumiti siya.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mapaiyak. "Sorry, sorry kasi may nagawa akong mali sa'yo. Ngayon pa lang, humihingi na ako ng tawad sayo."

"Is there something wrong? Why are you crying?" he asked concernly.

"W-Wala, mahal lang talaga kita." niyakap ko siya ng mahigpit, ganon din siya sa akin.

"I love you more, Kara." he whispered and kissed my forehead.

Napangiti ako sa kabila ng pagluha ko, tama na. Ayoko na, I want to tell her what's true. I am now 18 at ano man ang naging desisyon ko noon ay mali 'yon, I realize my wrong doings and so my faults. I am the one to blame on it.

May handaan kina Lola Iska kaya doon kami dumiretso, alam nilang 18 na ako ngayon pero walang nagsasalita. I told them the truth at mabuti na lang at naiintindihan nila. Wala 'pang masyadong tao dahil mamayang gabi pa ang salo-salo, that's fine dahil may pupuntahan muna ako ngayon kaya aalis muna ako. Iiwan ko muna si Lyle dito.

Nasa bahay na kami nila ni Lola, malaki na ang bahay nila dahil narenovate na ito. Nilagyan din ng extension ang kabahayan kaya malaki na, nasa kwarto na kami ni Lyle kung saan kami pinapahinga muna ni Lola Iska. Pupunta muna ako sa resort nila ni Caden dahil may hinanda daw silang surprise doon. Ewan ko sa kanila.

"Aalis muna ako ha? I love you." masuyo kong paalam, niyakap niya ako sa may tiyan. "Babalik ako agad."

"Hmm, okay. Baby. Mag-iingat ka." sumubsob siya sa may tiyan ko at mas pumulupot pa sa akin.

Bumitaw na kami sa isa't isa bago ko kinuha ang bag ko. I need to go now. Baka naghihintay na sila, nakakahiya naman if paghihintayin ko pa sila Caden eh.

Mabilis lang akong nakarating sa private beach resort, mabuti na lang at pinapasok ako ng guard dahil kung hindi baka umuwi na lang ako. Ang mga 'yon, iniwan lang nila ako dito sa labas. Hindi man lang ako hinintay, putek!

Nilibot ko ang tingin sa buong cottage pero walang tao. I wonder if nasaan kaya ang mga tao dito? Akala ko ba dito gaganapin ang birthday party? May surprise ba talaga o gino-goodtime lang nila ako?

"Manong, nasaan po sila ni Caden?" nilapitan ko ang nagbabantay sa cottage, may sinusulat siya sa logbook.

"Sino po sila?" magalang na tanong ni Manong.

"Ako po si Kara. Uhm, magtatanong po sana ako kung nasaan sila ni Caden?" ngumiti ako.

"Ay, sila Sir Abriaga po ba Ma'am? Namasyal pa po sila kasama ang mga kaibigan niya, kaibigan ka po ba niya? Ma'am?" tanong ni Manong sa akin.

Under His Chains (Secret Island Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon