Kabanata 16

1.2K 22 0
                                    

Kabanata 16

Painful

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula ngayon. It feels like everything are starting to go back from the very beginning of my life. Nag-iisa, walang makakapitan at pakiramdam ko ay parang libro ang buhay ko. Nagsimula sa unang pahina ang kwento ng buhay ko hanggang dumating ang lalaking minahal ko ng higit pa sa sarili ko, buong akala ko ay siya na ang epilogo ngunit naging prologo na lamang ito sa huli ng kwento.

As I was said I won't justifies my lies. I lied yes! I am selfish to not spilled the truth even I know enough, sometimes you need it. You need to be selfish to fight your uncertain forbidden love.

At sa ngayon alam kong galit siya, hindi ko naman siya masisisi eh. Alam ko kung saan nangagaling ang galit niya sa akin, gusto ko siyang manatili pero paano naman? Hindi ako mayaman, hindi ko kayang pantayan siya o ang yaman nila.

Sa maikling salita ay nabubuhay kami sa magkabilang mundo. I am living a simple and less fortunate life unlike him living having a golden spoon in his mouth. Sino ba naman ako para pigilan pa siyang bumalik sa pamilya niya? Ako lang naman 'to, nasasanay naman akong palaging iniiwan eh.

My tears can't stop pooling in my eyes as I stared at the flatscreen, It was a news about the business magnate who's coming back. Masaya naman ako na nakabalik na siya pero hindi ko inaasahan ngayon ang anunsyo nila na mas magpapabigat pa sa nararamdaman ko.

'The business magnate of the Hidalgo's is now back, are they willing to continue the long overdue marraige with the Saldivar?'

So, he is promised to someone else.

I saw him and her girl happy while holding there hands, nakita ko kung gaano sila kasaya sa isa't isa. I saw his eyes full of admiration and love for the girl that he's with.

Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko. Ang marahan niyang ngiti at pagmamahal niya ngayon sa babaeng kasama niya ay ni minsan ay hindi ko naramdaman sa kanya. He really loves the girl he's with. Mas lalo akong nagalit sa sarili ko dahil nilayo ko siya sa babaeng minamahal niya, na ako 'yong dahilan kung bakit nagkalayo sila ng matagal na panahon.

"Hija! Anong nangyayari sa'yo? Jusko po!" agad dumalo si Lola Iska sa akin ng makitang umiiyak ako.

"La, ikakasal na siya. Ikakasal na 'yong lalaking mahal ko sa iba, sa taong mahal niya. Masaya ako para sa kanya, Lola. S-Sa wakas ay nahanap na niya 'yong babaeng aalagaan siya at nakalaya na siya mula sa akin." hindi ko na mapigilan ang mahinang paghikbi.

"Shh, tama na..." pang-aalo ni Lola Iska. "Maaring may plano ang tadhana para sa'yo. Maaaring may lalaking nakatadhana na para sa'yo, Kara. Hindi mo kasalanan ang lahat, wag 'mong sisihin ang sarili mo dahil wala kang kasalanan."

"La, paano na ako? Napapagod na ako, ngayon na wala na siya tila nadudurog ng paulit-ulit ang puso ko." hindi ako matigil sa pag-iyak.

Mas niyakap ako ni Lola ng mahigpit, pakiramdam ko ay napagod ako ng sobra. Hindi ko na kakayanin 'to, ang sakit ng nararamdaman ko. Ano ba ang lugar ko sa mundong 'to?

Ano ba ang itinadhana para sa akin? Am I only living to endure the pain? Ang sakit naman kung ganon. Saan ako lulugar kung sakali? Bakit ganito?

Pumikit ako ng maramdaman na nasusuka na naman ako, ilang araw na 'to pero hindi ko ito pinapansin. Maybe because this is the karma of me. My consequences that I should be paid off.

"Jusko, Kara. Nagsusuka ka, ire! Dadalhin kita sa center!" sobra ang pag-aalala ni Lola pero hindi ko na siya nasagot dahil sa pagtindi ng pagsusuka ko.

Nanghihina ako ng maramdaman na masusuka na naman ako, humihilab ang tiyan ko sa hindi malamang dahilan. Nagdidilim na din ang paningin ko hanggang sa tuluyan na nga akong nawalan ng malay.

Under His Chains (Secret Island Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon