Kabanata 39

1.6K 21 0
                                    

Kabanata 39

Still

It's been years, marami ng nagbago. Natupad na lahat ng mga pangarap ko. I am now a successful painter and a model. Naabot ko 'yon kasama ang pamilya at ang mga anak ko.

"Kara!"

Lumingon ako sa tumawag sa akin, narinig ko din ang pag-click ng camera sa hindi kalayuan. Ngumisi ako at naglakad papunta kina Isme at Berna kasama si Marites, nandito kami sa Maldives ngayon para magbakasyon. Ngayon lang ulit kami nagkakasama ng ganito, matagal-tagal na rin 'yong tatlong taon na hindi na kami nagkaroon ng bonding. Namimiss ko na sila ng sobra.

"Saan kayo galing?" tanong ko sa kanila.

"Eh ikaw? Saan ka din galing at halos mapaos na kami sa katatawag sa'yo pero masyadong lumilipad ang isip mo?" balik tanong naman ni Berna sa akin.

Napayuko ako ng maalala na naman ang lahat, naaalala ko pa noon kung paano kami ni Lyle naghiwalay at hinayaan siyang maglakad ng palayo sa akin kahit masakit. Gusto ko man na pigilan siya sa pag-alis palayo sa akin pero alam kong ito na lang ang paraan para mahanap namin ang mga sarili namin. We need to healed each other, and I know that's the best for us.

My tears are started to fall when I remembered the past that made us apart now. I still remember before...

"Anak ko si Havien?" namumula ang mata niya sa pag-iyak. "Kara?"

Malamig ko siyang binalingan. "D-Don't call me that!"

"R-Rhoana, sagutin mo ako sa tanong ko. Ako ba ang ama ni Havien?" naiyak na siya ng tuluyan. "B-Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?"

Sarkastiko akong natawa. "Seryoso ka!? Nagpapatawa ka ba? Why would I tell you if your busy building your family? Your happiness?!"

His tears are now pooling in his eyes, nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko siya kayang tingnan. Kung siya nga ay nasaktan noong hindi ko pinakilala si Havien, mas malala pa ang nararamdaman ko. I lost my child!

"Hindi ko alam..." umiling siya. "Hindi ko alam na nagbunga ang nangyari sa atin, k-kung alam ko lang 'yon. Aalagaan ko kayo."

"Tanga ka ba ha? Sa tingin mo ba ay hahayaan kitang lumapit sa akin sa mga panahon na 'yon!?! Oo! Tanga na ako pero mahal ko ang sarili ko! Mahal ko ang mga anak ko!" sigaw ko habang umiiyak. "Kung masakit sa'yo na tinago ko ang anak ko, paano naman ako? Sa tingin mo ba madali sa akin na kalimutan na lang ang lahat? Pwes, nagkakamali ka! Nasasaktan din ako higit sa nararamdaman mo ngayon!"

"W-What do you mean?" nanginginig siya. "Mga anak natin, Rhoana? A-Are they-"

"Yes!" I cut him off. "They are twins but I lost one! Nawala ko siya kasi hindi na kaya ng puso niyang tumibok pa! This is all your fault! Kasalanan mo 'to, kung sana nandito ka baka mapagamot natin siya o baka sa hospital ako nanganak ng mga panahon na 'yon baka maagapan pa ang pagkawala ng kakambal ni Havien!"

"I'm sorry..." he cried silently.

"Sorry!? Maibabalik pa ba ang lahat ng 'yon ha, Lyle!? They will not! Kaya walang kwenta 'yang sorry mo! Hindi lahat ng bagay nadadaan sa sorry! Masakit pa rin pala 'yon! I lost myself and the half part of me!" humikbi ako. "Alam mo ba 'yong pakiramdam na nag-iisa ka? I was alone when I found out that I am pregnant! At kahit nasaktan ako sa pagkawala mo, sinanay ko ang sarili ko na mawala ka kasi hindi ko naman mapipilit na manatili ka eh. Nagbuntis ako mag-isa na wala ka sa tabi ko hanggang sa manganak ako, guess I found out? It was a twins! Masaya ako pero agad binawi 'yon ng makita ko ang kakambal ni Havien na hindi na humihinga, he died on my arms!"

Under His Chains (Secret Island Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon