Christmas Special Chapter

1.5K 24 6
                                    


Havienniah Vizconde Hidalgo

Sabi nila... Fairytales are not true.

Totoo ba 'yon?

I was awake with this world that is full of imperfections at sa nakikita ko, mahirap paniwalaan ang sinasabi nilang fairytale dahil 'yong mga bata ngayon ay paniwalang-paniwala sila na totoo 'yon. Really?

Back when I was a child, nagkamalay ako sa piling ni Mama, Ate Isme, Ate Berna, lola, lolo, Ate Savianna at mga tao sa palasyo. Sa madaling salita, wala akong kaalam-alam sa salitang may Mama at Papa pala na dapat mag-alaga sa mga anak.

Binuhos ni lola at lolo sa akin ang pagmamahal nila sa akin bilang isang totoong anak sa panahon na wala si Mama para sa akin. Gayunpaman ay naiintindihan ko si Mama sa pag-alis niya dahil sabi ni lola na may kailangan pa siyang ayusin.

I love my mother so much. She's the princess royal in Greece and Denmark but for me, she is my Queen.

But I guess the Queen will never be at whole without a King.

I realized why my mother left me with lola. Did she want to find her happiness? Her prince charming? Iyong hari niya sa kanyang kaharian? Did that makes her whole and happy again?

Nakita ko ang lungkot at kasiyahan ng Mama ko tuwing birthday ko, I saw how she's happy but didn't reach her eyes. Siguro medyo masakit pa sa kanya ang pagkawala ng kakambal ko. He died on my mother's arms. Kaya nasasaktan siya.

I keep asking myself din, kontento ba ako sa lahat na meron ako? I have my grandparents and tita's pero pakiramdam ko ay may kulang pa rin. Everytime my teacher and classmates ask about my father, I can't utter a single word.

Hindi ba ako mahal ni Papa? Eh si Mama? Di niya ba kami love? Bakit ganoon?

As years passed by, unti-unti ng naging malinaw sa akin ang lahat. I am still six years old when we came back to La Santa for good. Alam ko ang reason ni Mama kung bakit siya nandito. She wants my father back.

I know my mother's controversy in showbiz and modelling industry, gamay ko ang media at alam ko ang kasikatan ng Mama ko. She's the infamous lost princess royal in Greece. The goddess of all goddess in elite society. Mahiyain si Mama pero she's too confident with her passion.

I always want to be like her pero ang sabi ni Mama ko sa akin ay wag kong pangarapin na maging siya dahil hindi madali ang lahat ng napagdaanan niya. She never hide me her secrets at lahat alam ko 'yon, pati 'yong kanila ni Papa.

She said to me na she's the second wife of Papa. Pangalawa siyang minahal ni Papa ko, nauna si Tita Shann na nasa langit na at may anak pa raw sila. Mama's confident as she told me pero nakikita ko sa mga mata niya na may konting kalungkutan iyon. Masyado raw kasing mahal ni Papa si Tita Shan to the point na pinagpalit na niya kami.

Literally hindi niya alam na buntis si Mama ng iniwan niya. Maayos na naman si Mama, mabait siya at mapagmahal. At the same time, martyr siya kay Papa. Mahal na mahal niya ang Papa namin ni Clia. Mahal din naman siya ni Papa. Sobra pa nga raw.

"Merry Christmas, baby!"

I saw her wearing her red tank top and an mid-thigh skirt. Magulo ang buhok niya at kalat pa talaga ang lipstick, kapapasok lang niya sa living room. I saw my father with his haciendero attire. Magulo din ang buhok at aha! May lipstick pa sa leeg! Naglaplapan sila sa labas?!

"Oh my gosh!?" nagulantang ako. "Nagkakalat kayo sa labas? Mama? Papa? What if makita kayo ng mga tauhan? Di ba kayo nahihiya?"

"Goodness, baby! Chill! You speak like legal age. Wag ka munang magdalaga, anak." si Papa naman na kumindat pa. "Baka ma-stress ako kapag marami kang manliligaw."

Under His Chains (Secret Island Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon