Kabanata 5

1.3K 21 0
                                    

Kabanata 5

Married

Napalunok ako ng pagmasdan siya ng matagal habang kumakain. Wala sa sarili akong napatulala sa angkin niyang kakisigan, aish! He's like one of the god in a mythology that everyone will drop of there feet and praise him.

I wonder if may kapatid din ba siya? I mean are they god and goddesses too? Nakakamangha kung ganoon!

"What are you staring at?" tinaasan niya ako ng kilay.

Napanganga ako. Whew! Englishero si Kuya ha!

"Nothing." iling ko pa.

I heard him sighed and focus to his food. Napalunok akong napatitig sa kanyang muscles na batak na batak, namumula ang mukha ko ng may naisip na kamunduhan. Oh my gosh!?

"Who am I?" he asked out of nowhere.

Huh? Hindi niya ba kilala ang self niya?

"Ha?" nabingi ata ako.

"Sino ako?" kumunot ang noo niya.

Sandali! Hindi niya ba naalala ang pangalan niya?

"Ikaw si... Teka, hindi ka ba nakakaalala?" kuryuso kong tanong.

Umiling naman siya na parang wala talagang alam sa paligid niya.

"Who am I? And who are you?" he asked again.

Sasabihin ko ba?

"I-Ikaw si Vin at tsaka... Ako si uh..." nagkamot pa ako sa ulo. "Angel Katherine Angeles."

Ngumiti siya. "Kara..."

Whew! Ako ba talaga ang tinatawag niyang Kara? I mean ang ganda sa pandinig pag siya ang tumawag sa akin ng ganong pangalan kaysa sa mga kaklase ko.

"Magpahinga ka muna saglit, nandito lang ako." marahan kong sabi sa kanya.

"Are we married?" napatitig siya sa akin ng matagal bago sa daliri ko na may singsing.

Napalunok ako sa tanong niyang 'yon, napatingin din ako sa ring finger niya at nakita doon ang kaparehong singsing na nasa akin ngayon. Oh shit! Ang tanga tanga ko talaga! Bakit hindi ko 'yon natanggal o nakuha? Fuck?

Hindi ko alam ang sasabihin sa lalaking 'to. Hindi siya nakaalala, hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo o manahimik na lang ba. Mas mabuti siguro na itago ko muna ang lahat sa kanya, mas mabuti kung siya na mismo ang makaalala sa nakaraan niya kaysa sabihin ko pa. Duh? Wala naman akong alam sa kanya eh bukod sa pangalan niya kaya bakit ako pa 'yong magpapaalala?

"Ayos na naman siya, 'neng." ngumiti si Lolo Teo sa akin. "Kailangan niya lang ng konting pahinga."

Tumango naman ako at ngumiti kay Lolo, inabot ko ang supot ng mga dala kong prutas sa kanya dahil iyon lang ang kaya kong ibigay sa ngayon dahil hindi pa ako nakapagtinda dahil sa pagbabantay ko kay Vin. Abala na din ako sa pag-aaral at mga proyekto ko sa eskwela lalo na't malapit na ang midterms.

"Pasensya na talaga kayo Lolo ha? Heto lang kasi ang meron ako sa ngayon." suminghap ako.

"Hay naku apo, nag-abala ka pa talaga. Ayos na 'to. Salamat dito, Andeng ha?" tumawa si Lolo bago ako tinapik at nagpaalam na aalis na.

Matapos kong ihatid si Lolo Teo sa labas ng bakuran ay bumalik na ako sa kubo para mag-ayos, may klase kami ngayon kaya kailangan kong pumasok na. Naabutan ko doon si Vin na nakaupo lang sa hinihigaan niya kanina.

Oo nga pala, hindi ko nasagot ang tanong niya kanina. Aish!

"Papasok ako sa eskwela, dito ka muna ha?" marahan na bilin ko. "Wag kang aalis."

Under His Chains (Secret Island Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon