Kabanata 14

1.1K 23 0
                                    


Kabanata 14

Sorry

I sighed as I stared at him, pareho kaming nakaupo ng tahimik dito sa may rock formations sa dalampasigan. Nakatingin lamang siya sa kalawakan habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya.

"I'm sorry."

"Sorry..."

Magkasabay na sabi namin bago siya tumingin sa akin, napayuko ako at pinaglaruan ang daliri ko. Hindi ko alam pero malakas ang tibok ng puso ko, kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.

"I should be the one to say sorry to you. Kasalanan ko." suminghap siya at naramdaman ko ang pagkakayakap niya sa akin. "I'm sorry for hurting you."

"Sorry din." ngumuso ako.

Hindi siya nagsalita, niyakap lang niya ako ng mahigpit. Niyakap ko din siya pabalik. How I really love this man, mahal na mahal ko siya. Hindi ko alam... Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag mawawala siya kung sakali.

"I-I love you, wife." he whispered with a bit hesitant.

Mahal niya ba ako dahil tingin niya sa akin ay babae talaga na mahal niya o dahil ako ang asawa niya? Ayoko sanang magreklamo pero nasasaktan na ako. But I need to...

Mahal ko eh kaya magtitiis na lang ako. Sana... Sana ako na lang... Sana matutunan niya din akong mahalin kahit konti lang.

-
Lumipas ang ilang buwan simula ng magkagalit kami, we better off now. I was thankful that somehow ay hindi na siya ganon ka-insensitive pagdating sa akin. We're fine now.

"Hala, ang lapit na ng 18th birthday mo bebe!" bulalas ni Berna ng magkita kami dito sa cafeteria.

"Hmm!" tumango ako.

"Hala, birthday mo?" gulat namang tanong ni Kier sa akin, tumabi pa talaga.

Ngumuso ako bago ngumisi. "Oo, bakit libre mo ba?"

"Oo ba!" tumawa si Kier bago ginulo ang buhok ko. "Malakas ka sa akin bebe ko eh."

"Hoy, Kieran! Ikaw ha! Chansing ka kay besprend ko!" saway naman ni Isme.

This past months din ay mas nagiging malapit kami ni Kier dahil sa harmless naman siya sa akin at mabait din naman. Mukhang ayos na naman siya kasi hindi na niya binuksan ang topic tungkol sa pagkakagusto niya sa akin, mabuti na lang. And our friendship is getting stronger with Ismeralda and Berna.

"Saan niyo ba balak iheld ang debut?" si Kier.

Napaayos ako ng upo dahil sa tanong ni Kier, kung pwede lang sana ay gusto kong isekreto lang 'to. Ayokong mag-18th birthday dahil sa maraming dahilan, basta ayoko lang.

"Ayoko naman ng magarang debut or whatsoever Kier, gusto ko lang ng simple at tsaka kompleto tayong magkakaibigan." ngiti ko pa.

Tumikhim si Isme sabay subo ni Berna ng bananaque at napaubo pa, naguguluhan ako sa kanila kaya ngumuso ako. Nakita ko rin na matipid lang na ngumiti si Kieran, may mali ba sa sinabi ko?

"Uh-oh, friendzone." bulong pa ni Isme na narinig ko naman.

Kumunot ang noo ko. Anong friendzone ang sinasabi ng babaeng 'to? Bakit hindi ko makuha? I mean...

"Palibhasa manhid kasi amp." si Berna naman.

"Huh?" naguguluhan kong tanong sa dalawa bago balingan si Kier. "Hindi ko sila ma-gets? Gets mo ba sila?"

"Wag mo na silang pansinin, they are just talking about themselves." inakbayan naman niya ako.

"Oh, okay!" I smiled at him.

Under His Chains (Secret Island Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon