Kabanata 24

1.3K 22 0
                                    

Kabanata 24

Blood

Pagkarating namin sa mansion ay sinalubong kami ni Shannon, I smiled at her. Nahahalata na ang tiyan niya, ang ganda niya.

Mapait akong napangiti, hindi ako bitter pero hindi ko maiwasan na tanungin sa sarili ko kung anong pakiramdam ng pinipili? Kapag ba nawala si Kier sa tabi ko tulad ng nangyari kay Lyle ay babalik pa rin ba siya sa akin? Ako pa rin ba? Am I still the one he's gonna marry?

"You came, I'm glad you both here." she said softly.

Hindi ko talaga masisisi si Lyle kung bakit siya ang pinili kaysa sa akin, I saw her as a kind and very cheerful girl. Nakampante na din akong siya ang napangasawa ni Lyle, masaya ako para sa kanila.

Ngumiti ako at bumeso kay Shannon, si Kier naman ay nagpaalam na muna na kukunin 'yong mga gamit namin. Hinawakan niya ang kamay ko at naupo kami, hindi nawala ang ngiti niya.

"Kier deserves you." marahan na sabi niya. "You both deserve each other."

Ngumiti ako. "Thank you, Shann."

"Hmm, welcome!" she giggled as she touched her baby bump. "Shopping tayo some other time please?"

"Oo, ahm." wala na akong masabi.

"Samahan mo ako please?" ngumuso pa siya.

"Uh, sige but I have a photoshoot so magpapaalam ako kay Elijah? I-I am not bit comfortable in a public places kapag ano..." I bit my lower lip.

"Wag kang mag-alala, nandito naman ako eh. Kasama mo naman ako and well kapag pumayag ka ay may surprise ako sa'yo! Dali na, please?" pilit niya pa.

Suminghap ako. "Okay, sige."

"Talaga? Goodness! Thank you!" bulalas niya bago ako niyakap.

Niyakap ko din siya pabalik, mabait sa akin si Shannon at pakiramdam ko na wala siyang alam sa ginawa ko sa asawa niya noon. Siguro kapag nalaman niyang inangkin ko ang pag-aari niya ay paniguradong magagalit siya sa akin. Hindi pa ba niya alam?

Matapos namin mag-usap ni Shannon ay nagpaalam na ako sa kanyang magpahinga muna sa taas, naligo muna ako at nag-ayos ng sarili. Isinuot ko ang bathrobe ko bago binuksan ang glass wall na nakaharang sa veranda, naramdaman ko agad ang sariwang hangin mula sa labas. It feels so good.

Naglakad ako patungo sa veranda at tinanaw ang buong hacienda, I saw Lyle handsomely maneuvered the horse. Handsome? Tagina? Really huh?

Ang kanyang malamig na aura ay bumabalot sa buong paligid, he's topeless at tanging faded jeans lamang ang suot niya. He's still wearing his boots, malamang ay galing pa siya sa planta.

Napakapit ako ng mahigpit sa railings ng tumingin siya sa akin, his gracefulness sent shivers to my spine. Hindi pa din siya nagbabago, siya pa rin ang lalaking minahal ko. He still cold and bit arrogant yet handsome beast pero siguro ganoon talaga ang tadhana kung maglaro, hindi man siya nagbago o kahit magbago pa ay hindi pa rin siya sa akin. Hindi na kami para sa isa't isa. And the fact that he hurt me, sinaktan niya ako ng maraming beses. Hindi man niya 'yon alam pero nasasaktan pa din ako. He still the one who hurt me, hindi na mababago 'yon.

Umigting ang kanyang panga ng mapag-abot ang tingin namin, he's eyes were cold and full of anger. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko at tumingin pa talaga sa katawan niya, he's body built is not the same before. Sa paglipas ng isang taon ay maraming nagbago sa kanya, mas lalong lumaki ang katawan at lumapad ang kanyang dibdib. Agad akong nag-iwas ng tingin. Mali 'to.

Hindi 'to tama.

Nawala ang emosyon sa mga mata ko ng nakipagtitigan na siya sa akin, I stared at him coldly too. Hindi ako nagpatalo, nilabanan ko ang mga tingin niya. Kung galit siya sa akin ay mas galit ako sa kanya. At kung ayaw niyang makipag-ayos sa akin ay wala na akong pakialam. Pakihanap na lang ang paki ko.

Under His Chains (Secret Island Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon