kiss 3

215 2 1
                                    

Innocence is sometimes just a disguise to hide malicious ideas.

***

ANYA’s POV

¯One two three

Hello hello

One two three

Hello hello

One two three

Hello hello¯

                “Uy, pasali naman ako. Sige na…” Nakita ko ang sarili ko habang kausap ang mga dati kong classmates noong grade four pa ako. Favorite ko ang larong luksong lubid simula nung grade one pa lang ako. May dalawang grupo silang naglalaro habang nasa court kami noon at nakapang-P.E. uniform.

                “Ha? You’re gonna join to us? Hello? Hindi nga?”

                Tinaasan ako ng kilay ni payat. Siya si Cecille. Ang mala-poste sa payat kong classmate. Napakataray niya kaya lahat ng nagiging kaibigan niya, nahahawa sa kanya.

                “Oo nga naman Anya, wag ka ng sumali kaya. You’re big enough for this game!” Sabad pa ng maarte kong classmate na si Diana.

                “Bakit naman? Eh parehas lang naman tayong mga grade four ah!” Gusto ko ng umiyak non kasi feeling ko pinagkakaisahan nila ako.

                “Hello! Ang laki-laki kaya niyan oh!”

                Sabay tawa habang nakatingin sila sa dibdib ko.

                “Pati baka sumabit pa yang buhok mo sa lubid!”

                 Narinig ko na naman ang sari-sari nilang tawanan. Pinagkakaisahan na naman nila ako. Napasimangot ako.

                “Pati the sun is too close, matutusta ka na nan! Ha! Ha!”

                Nakakarindi yung tawanan nila. Feeling magaganda, eh mapuputi lang naman sila!

                “Eh di kung ayaw niyo! Eh di huwag!” Lumayo na lang ako. Babalik na ako ng classroom. Walang kwenta mga tao dito.

                “Best, anong nangyari sayo?” Nakasalubong ko si Barbara Sy, Barbie for short.

                “Ha? Wala naman Best.” Sabi ko in a sad voice.

                “Hmn… inaway ka na naman nila ano?!”

                Matapang na tanong sa akin ng bestfriend ko. Napatango na lang ako. Biglang nagbago yung maamong mukha ni Barbie.

                “Uy! Saan ka pupunta?!” Hinabol ko siya. Siguradong gulo ‘to pag-nagkaharap-harap sina Barbie at grupo ng mapuputi at payat kong mga classmates.

                “Tuturuan ko lang yang mga hilaw na yan!” Galit na galit talaga si Barbie. Agad niyang nakita ang mga matataray kong classmates.

                “Hoy! Kayo! Lalo ka na payat! Kung ayaw niyong magpasali, sabihin niyo ng matino kay Anya! Hindi yang nanlalait pa kayo!”

                 Nakita kong kinuha ni Barbie yung lubid pagkatapos ay inihagis pataas. Nagtakbuhan yung ibang mga bata. Naiwan sina payat at ang tatlo pa niyang mga ka-grupo.

Your Kiss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon