In life, evilness stays behind. So watch out for those people who only know is to pull you down.
***
ANYA’s POV
“Oh my! Have you heard about it?”
“Yeah right! My God! Yun pala yung sinasabi nilang sikat na architect!”
“Ang gwapo! Gosh! Let’s see him later sa recess ha?! Ayiiiiii!”
“Sure! Sure!”
“Balita ko, alma mater niya din ang school natin.”
“Oh really?! Buti naman, bumalik ulit siya dito! Ang macho macho niya beshy!”
“Ha ha! Ano laglag na panty mo diyan!”
“Okay lang yun, ipapapulot ko na lang doon kay Yummy Arki!”
Ngek! Ano ba ‘yan?! Nakakadiri naman ‘tong mga ‘to. Sino kaya yung sinasabi nila? At mukhang talk of the town ng mga babae dito sa building ang lalaking tinutukoy nila. Architect daw, gwapo, at yumm--- este macho daw? Kaloka naman ang mga babaeng ‘to!
“Cupcake!”
Err. Impossible.
“Oh my God! Beshy si yummy Arki! He’s here! Dali pupulutin niya na ang panty mo!”
“Cupcake!”
“Sino tinatawag niyang cupcake?”
“Uy!”
“Ay kambing!”
Potek! Akala ko kung sinong adik ang humawak sa balikat ko. Tatawa-tawa pa ang loko dahil sa pagkagulat ko.
“I was calling you from afar. Whoo! Ang hirap mong habulin.” Hihingal-hingal pa siya. At sa itsura niyang medyo pinagpawisan, walang panama ‘yon sa suot niyang fitted polo shirt at pants.
LUBLUBLUBLUB.
Potek. Ano ‘yon? Dali-dali ako pumihit patalikod at nagmamadaling lumakad sa hallway habang yakap-yakap ko yung mga libro ko.
“Woah! Is that Anya he was calling to? Oh-mi-goshy.”
“Cupcake daw, cupcake.”
Narinig kong bulong-bulongan ng mga tao sa paligid ko. Grabe nakakahiya! Ano naman kayang pumasok sa isip niya at pumunta pa siya dito sa school ko?!
“Hi.” Napatigil ako. Nasa loob na ako ng classroom. Wah!!! Si T.L.! Binati niya ako. Siya pa lang pala ang nasa loob ng room. Nakaupo na siya sa may upuan niya habang ako ay nakatayo pa rin malapit sa pintuan.
“Eh---hello Clarence.” Medyo nalito pa ako if kakaway ba ako sa kanya o hindi.
“Hey!” Biglang may umakbay sakin galing sa likod. Halos nakayakap na nga siya sa leeg ko. Aha! Hindi nga ako nagkamali, si Kuya Abo na naman. Hay… Panira na naman eh.
BINABASA MO ANG
Your Kiss (COMPLETED)
Fiksi RemajaDon't be fooled with just a simple kiss . . . wag atat XD