Happy endings do happen. You just have to learn how to wait patiently.
***
ANYA’s POV
He is not my first kiss but when I felt his smooth lips capturing mine, itseems like I had never been kissed by someone else. That kiss showed me how visceral it was. It was the sweetest taste that ever reach my tongue. I love it and I so love him…
Hindi ko makakalimutan yung tagpong iyon sa simbahan. Katunayan, napa-english pa nga ako. Ahahaha! Sinong maniniwalang sa loob ng limang taon naming relasyon, noon lang naganap ang first kiss naming dalawa? Kung pwedeng ipasok ‘to sa list of Ripley’s Believe it or not, baka nagawa ko na. Sobrang bilib talaga ako sa control at conviction ng asawa ko.
“What are you doing?” Naramdaman ko yung mga braso niya sa bewang ko nung yakapin niya ako mula sa likuran. Ipinatong niya yung ulo niya sa balikat ko. Nandito na kami sa bahay niya, namin. Finally, hindi ko na kailangang ipagpilitin ang sarili kong pumunta dito ng kami lang dalawa dahil bahay ko na rin ang bahay niya. Ha! Ha!
“Naghahanda lang para mamaya.” Sabi ko tapos kinindatan ko siya. Kahit medyo madilim sa labas ng kwarto namin na nasa third floor, kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya kaya napatawa ako sa itsura niya.
“You’re always been so naughty way back then.” Patawa-tawa niyang sabi. Humarap ako sa kanya ng hindi kumakalas sa pagkakayakap niya. Kumapit ako sa leeg niya.
“At siguro naman hindi ka na tatanggi?” Biro ko sa kanya. Napailing siya habang nakangiti.
“It’s cold out here, let’s get inside.” Hinila niya ako papaloob ng kwarto. Kung kinakabahan siya, mas kinakabahan ako.
“Who do you want to take the shower first?” Tanong niya na hindi malaman kung saan titingin. Umupo ako sa kama.
“Sabay na lang kaya tayo, gusto mo?” Sabay tawa ko. Ang totoo nan nate-tense din naman ako ng mga oras na ‘yon. Wah!!! “Joke lang, Popcake. Sige ikaw na muna.” Sabi ko kasi hindi siya nakapagsalita sa sinabi ko. Nakita kong pumasok na siya sa banyo.
Naiwan akong mag-isa sa kwarto namin. Napangiti ako. Finally, Mrs. Danya Aragon-Ruiz na ako. Ikinasal ako sa taong mahal ko at mahal din ako. Kapag naiisip ko yung mga panlalait sa akin nina payat, napapangiti na lang ako kasi hindi naman nangyari yung mga sinasabi nilang magiging old maid ako dahil walang lalaking magmamahal sa akin.
Tama nga si Charlotte sa sinabi niyang may isang prinsipe na nakalaan para sa isang prinsesa ni God. Yun nga lang yung sa akin, mala-Hari na sa edad! Pero okay lang ‘yon dahil mahal ko naman siya kahit nine years older siya sa akin. Di ba nga ‘age doesn’t matter’. Wala namang pinipiling edad ang pag-ibig. Pati masaya ako dahil sa mga panahong pinaniwalaan kong walang isang espesyal na tao ang nagmamahal sa akin, nagkamali pala ako. Dahil sa mga panahon na ‘yon, may isang Kuya Abo na matiyagang naghihintay sa akin.
Tumayo ako at nag-umpisang maglakad. Binuksan ko ang pintuan ng banyo. Naalala ko yung araw na ‘yon. Takot na takot ako ng makita ko siyang nasa harapan ko habang naliligo ako. Galit na galit ako sa kanya noon dahil inisip kong napakabastos niyang tao at manyak pa.
Napatawa ako sa naisip dahil sa ginagawa ko ngayon, parang ako naman ang masasabihan ng bastos at manyak!
Pumasok ako sa loob. Narinig ko ang lagaslas ng tubig. Huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy. Napalunok ako ng makita ko siya mula sa kabilang panig ng salamin. Yung pang-itaas na likod lang niya yung nakikita ko dahil na rin sa desenyo ng salamin na ‘yon. Nakatayo lang siya doon habang patuloy na pumapatak yung tubig sa katawan niya.
Huminga muna ako ng malalim bago ko hinubad yung mga damit ko. Pagkatapos ay dahandahan kong binuksan yung pinto at pumasok sa loob ng shower room.
“Ngayon, quits na tayo.” Sabi ko. Napatawa siya sa ibig kong sabihin.
“Ang kulit mo talaga.” Sabi niyang humawak sa pisngi ko at itinabing ang ilang buhok ko sa may gilid ng tenga.
“Mahal kita Kuya Abo.” Sa sinabi ko ay bigla niya na akong hinalikan.
“Thank you so much Anya… I love you too Cupcake…” Halos pabulong niyang sabi habang pinapatunayan niya sa akin ang isa pang uri ng pagpapakita ng pagmamahal. Napapapikit na lang ako sa ginagawa niya. Hindi ko kayang ipaliwanag ang lahat pero ayun ang unang pagkakataong naramdaman ko ang sensasyong ‘yon.
***
“Popcake?”
Tawag ko sa kanya. Nakahiga na kami parehas sa kama habang yakap-yakap niya ako.
“Yes?” Tanong niya habang nakapikit.
“Bakit Cupcake ang tawag mo sa akin noon at hanggang ngayon?” Curious kong tanong. Hindi siya nagmulat ng mata pero nasilayan ko yung pilyong ngiti niya sa mga labi niya.
Hinintay ko siyang magsalita pero sa halip ay naramdaman ko yung isang kamay niya sa dibdib ko pagkatapos ay inilapit niya yung bibig niya sa may tenga ko at may ibinulong. Siniko ko siya sa tagiliran kaya napa-aray siya sa sakit.
“Nakakainis ka!” Sabi ko.
Pakiramdam ko namula yung buong mukha ko sa sobrang hiya kaya napatakip ako sa mukha ko. Narinig ko siyang patawa-tawa.
Wah!!!
THE END.
______________________
Thank you for reading my first novel here in Wattpad.
Comments are welcome po :)
BINABASA MO ANG
Your Kiss (COMPLETED)
Teen FictionDon't be fooled with just a simple kiss . . . wag atat XD