When your heart is breaking, there’s always someone who will be there to help you heal it.
***
ANYA’s POV
Pagkatapos non ay walang lingong-likod na lumakad na si Barbie. Nakita ko pang marahas niyang pinunasan ang mga luha niya gamit ang braso niya. Tumakbo ako para habulin siya.
“Best! Wait!”
Sigaw ko. Pero mukhang hindi niya ako narinig. Ang bilis niyang maglakad. Sa pagmamadali ko ay nadapa ako! Shocks! Nakakahiya! Naalis yung hood sa ulo ko at tumalsik din yung shades ko. Sumakit yung mga braso ko dahil ‘yon ang sumalo ng bigat ko ng bumagsak ako.
“Anya?”
Napatingin ako. Sapatos ng lalaki ang una kong napansin. Pagkatapos ay pataas ko siyang tiningnan. Shocks! Anong ginagawa niya dito?! Gustuhin ko mang tumayo kaagad ay hindi ko magawa. In shock pa rin ang katawan ko. Nakita kong ibinaba niya ang mga dala niya. Ang dami namang pinamili nito.
“Kaya mo ba? Let me help you.”
Dahan-dahan niya akong itinayo. Nakakapit ako sa magkabila niyang braso. Magkaharap tuloy kami. Hindi ko siya magawang tingnan ng maayos. Nahihiya pa rin ako.
“S-salamat…”
Nanginginig yung mga tuhod ko. Hindi dahil sa pagkakadapa ko kundi dahil sa magkalapit kami. At nahahawakan ko pa siya. Si Clarence de Guzman ba talaga ang nasa harapan ko? O nananaginip lang ako?
“Kapit ka lang…” Ngumiti siya sa akin. Hindi ko na maiwasang tumingin sa kanya. Ayon na naman yung drum effect sa dibdib ko. Napahigpit yung kapit ko sa kanya.
“Anya?” Nagulat ako sa pagtawag niya sa akin.
“Ah…T… S-sorry Clarence.” Napabitiw na ako sa kanya. Gusto ko pa sana siyang hawakan kaya lang baka ma-awkward siya.
“It’s alright. Okay ka na ba?” Hinawakan niya ako sa shoulder. O-em-ji! Ano bang nangyayari?
“Clarence!”
Napalingon ako sa kanan ko. Si Gwennver?! Galit na galit siya. At papalapit na siya sa amin ni T.L.! Bago pa siya makalapit ay nagawa ko ng tumakbo. Sa mukha ni Gwennever ay mukhang ready to fight din siya sa akin. Hay sayang… Teka! Nasaan na kaya si Barbie! Saan na kaya nagpunta ‘yon?
Lumabas ako ng mall. Nagtanong din ako sa guard if nakita nila si Barbie. Nakita nga daw nilang lumabas ayon sa pagkaka-describe ko ng itsura ni Barbie. Kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko siya. Nakadalawang call ako bago siya nakasagot.
“Best nasaan ka ba?” Tanong ko. Narinig kong pasinghot-singhot siya. Umiiyak pa rin.
“Sorry best, naiwan kita….*sniff*”
“It’s okay. Nasaan ka ba? Puntahan kita.”
“I’m here at the resto. Sa pinagkainan natin ng breakfast kanina.”
“Okay, wait for me there.”
“O-okay…*sniff*”
BINABASA MO ANG
Your Kiss (COMPLETED)
Teen FictionDon't be fooled with just a simple kiss . . . wag atat XD