êabê
“Uy! Uy! Bakit niyo po ako hinalikan?!” Itinulak ko siya mula sa pagkakayakap niya sa akin. Err lang talaga. Pinapunta lang niya ako sa rooftop ng bahay namin para asarin?!
“OA mo. That was only on your hair!” Sabi niya na patawa-tawa pa.
“Eh kahit na po! Ang bastos, bastos nito! Yuck!” Pinagpag ko yung mahaba, kulot, at malapatay sa texture kong buhok.
“I’m not rude okay? The kiss on your hair was just meant for a promise.” Sabi niyang nakapamulsa pa sa jacket niya.
“Err lang po talaga Kuya Abo. Ano ba yang promise-slash-pangako na ‘yan at dito pa sa rooftop niyo gustong sabihin ‘yan eh ang lamig-lamig pa naman ng panahon!” Nakasimangot kong sabi sa kanya habang yakap-yakap ko na rin ang sarili dahil sa lamig.
“Aalis na ako. I’m going to London for good.” Napatitig ako sa kanya. Seryoso si Kuya Abo tapos parang nalungkot?
“Ahahaha Mabuti naman po at lalayas na kayo dito sa Pilipinas. Wala na ring mukhang gurang na cadaver ang makikita ko dito sa bahay namin! Nyahahahaha!” Naningkit yung mga mata niya sa sinabi ko. Tawa naman ako ng tawa habang pinagmamasdan ang mala-poste sa payat at naka-army cut pang buhok na si Kuya Abo. Bestfriend siya ng second brother ko kaya sa tantiya ko siyam na taon ang tanda nito sa akin.
“Anya…” Tawag niya sa akin. Napatigil tuloy ako sa pagtawa.
“I want you to remember this promise.” Lumapit siya at niyakap ako. Naramdaman ko yung paglapat ng labi niya sa may buhok ko pagkatapos ay kumalas siya sa pagkakayakap at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Tumingala ako dahil higit na mas matangkad siya kaysa sa akin.
“Remember that I kiss you on the hair because I wanted to take care of you forever. Pero mawawala ako ng ilang taon and by that time, I’ll wait you as you grow up. You might don’t understand it for now but at the right time…” Ngumiti siya sa akin.
“Pakakasalan kita.”
I was nine and he was eighteen. That promise he left with a kiss on my hair…
Matatandaan ko pa kaya?

BINABASA MO ANG
Your Kiss (COMPLETED)
Teen FictionDon't be fooled with just a simple kiss . . . wag atat XD