Sometimes we need to go out the box and try a little thing to add spice in our life.
***
ANYA’s POV
“Ang weird niyo ni Kuya ha?”
Napatigil sa pagsubo ng omellet si Barbie. Hindi naman siya tumingin sa akin. Tumunog yung phone niya pagkatapos ay ngumiti siya. Kumunot yung noo ko.
“Let’s go to AJ building best!” Ang ganda ng ngiti niya. Hindi niya sinagot yung tanong ko. Pasaway ah. Teka at ano naman kaya ang meron at nagyayaya siya sa AJ building.
“Let’s workout!” Itinaas pa niya yung dalawa niyang arms na para bang sinasabing “ang macho ko oh”. Napangiwi ako.
“Best naman. Ano naman at naisipan mong mag-gym? Wala naman akong hilig dun pati ayaw ko doon.”
“Bakit naman best? Okay nga ‘yon. Healthy pa. Sige na try natin. Please…” Pinagdaop pa niya yung mga palad niya at nag-beautiful eyes pa. Wah! Mukha talaga siyang pusa! Super cute!
“Hmn… sige na nga. Kulit mo eh.”
“Yes!”
***
Pagkatapos kumain ay nagpalit na kami ng damit na gagamitin para sa pagdyi-gym namin ni Barbie. Nagsuot kami ng jogging pants. Kulay pink yung kay Barbie at yung akin naman ay kulay dark blue. Nag-sando naman na puti si Barbie at ako naman ay naka-T-shirt plus jacket syempre. Nga pala, may dalang gamit si best kasi inutusan niya si Manong Lando.
“Kuya, drive mo naman kami papuntang Trade.” Tanong ko kay Kuya. Nasa kwarto niya ako at naabutan ko siyang nakahiga sa kama. At take note, nakatalukbong pa siya.
“Tulog ka ba Kuya?” Lumapit ako at dahan-dahan inalis yung kumot sa mukha niya.
“Ano ba yan Anya?!” Hinila niya pabalik yung kumot sa mukha niya.
“Kuya sige na please. Hatid mo na kami doon.”
“Ayaw.”
“Sige na kasi. Libre kita ng favorite mong calamares.” Hindi siya sumagot. Siguro pinag-iisipan pa niya. Ha! Ha! Konting kiliti pa ito.
“Ayaw.”
Ngek! Calamares tinanggihan ni Kuya Kier?! Himala. Hmn… Umupo ako dun sa couch sa tabi ng kama niya. Isip isip. Paano ko kaya siya mapapapayag?
Ting!!!
“Kuya, si Barbie nga pala nag-ask if pwede mo kaming ihatid.”
Parang kidlat sa bilis ang naging reaction niya. Nagmadali siyang kumilos at sa isang iglap ay ready na ang aming driver. He he joke lang naman ‘yon eh. Teka, ang lupit naman yata ng pangalang Barbie kay Kuya. Siguro nga, pinagtripan ni Kuya si Barbie kagabi kaya ganon. Inasar niya siguro ng inasar si Barbie at dahil nakokosensiya si Kuya ay pumayag siyang ihatid kami. Naks, magaling ang konklusyon mo Ms. Anya Aragon.
Ilang minuto lang ay ready na kaming lahat. Magkatabi kami ni Barbie sa backseat at siyempre si Kuya Kier ang nasa driver seat. Malamang naman.
BINABASA MO ANG
Your Kiss (COMPLETED)
Teen FictionDon't be fooled with just a simple kiss . . . wag atat XD