kiss 33

118 0 0
                                    

Love may not make the world go round but it makes the ride worthwhile.

***

ANYA’s POV

                It’s Christmas time and let’s give love on this day! Ayiiii! Super saya ng araw na ito dahil complete family kami sa nochebuena. Kasama na nina Kuya Kerwin at Ate Hitomi sina Haru at Yuki! Grabeng kukulit nila at sobrang ku-cute!

                “Meri Kurimasu Tita Anya!” Sabay nilang bati sa akin. Five years old na sila at talaga namang di maubusan ng sasabihin. Maige na lang hindi nagsasawang mag-translate si Ate Hitomi para magkaintindihan kaming tatlo.

                “Oh it’s five minutes before twelve, let’s go to the dining area na!” Si Kuya Kregg. Sobrang excited siya at binuhat pa niya sina Haru at Yuki papuntang dining area.

                “Hmn… Ang bango-bango naman ng luto ni Honey!” Puri ni Kuya Kregg kay Ate Lavine. Para namang kinilig pa si Ate nung kindatan siya ni Kuya habang binababa sa upuan yung mga pamangkin ko.

                “Nasaan ba si Kier? Three minutes na lang at Noche Buena na.” Puna ni Mommy. Saka nga lang namin napansin na wala pa siya. Aba! At saan naman kaya nagsuot ‘yon?

                Eksaktong alas-dose ay bumungad sa amin si Kuya Kier kasama si Barbie?!

                “Best! Nandito ka?! Ayiiiiii Merry Christmas best!” Agad ko siyang niyakap. Gumanti naman siya ng yakap habang binabati rin ako.

                “Oy! Oy! Napipisa na siya sa ginagawa mo Anya!” Sita sa akin ni Kuya pagkatapos ay hinila palapit sa kanya sabay kapit sa  bewang ni Barbie!

                “Mom, mga Kuya at mga Ate, mga pamangkin.” Panimula niya sabay tingin sa akin. “Sis, meet my girlfriend, Barbie.”

                Potek! Anong nangyari?! Lumapit ako kay Barbie.

                “Best! Pakisuntok nga sa sikmura yang si Kuya Kier at nang magising sa kalokohan. Pati ba naman ikaw pinagtitripan?!” Angal ko. Patawa-tawa naman si Barbie.

                “Ui anong pinagtitripan ko? Hindi no?! Nagbago na ako Anya. In fact, first time kong magdala ng girlfriend dito sa bahay at talagang Christmas pa. So sa palagay mo ba, nagbibiro ako?” Seryoso niyang sagot sa akin. Napatingin ako kay Barbie.

                “Sorry best, ngayon ko lang nasabi sayo.” Sabi niya.

                Wah!!! Ngayon alam ko na kung bakit namumula si bestfriend kapag kaharap si Kuya Kier! Ahuhuhu subukan lang na lokohin ni Kuya Kier si Barbie, tatahiin ko yung mga mata niya para wala na siyang ibang makitang magaganda at mga cute na babae!

                Pagkatapos ng tagpong iyon ay naging masaya naman ang kainan time namin. Maraming natuwa sa balita tungkol kay Kuya Kier at Barbie maliban sa akin na medyo nag-aalangan pa sa kanila. Hello? Sobrang babaero kaya ni Kuya Kier! Baka paiyakin lang niya si Barbie. Ah teka?! Paano nga pala si Drake? Ano na kaya nangyari doon?! Wah! Dapat ko pa bang isipin ‘yon?

                “Maligayang pasko! Ho! Ho! Ho!” Dahil sa narinig ay nagtakbuhan sina Haru at Yuki sa may sala. Akala siguro nila si Santa Clause yung dumating.

                “Oh pare! Ang dami namang gifts nan!” Bati ni Kuya Kregg kay Kuya Abo.

                “Oo eh. Na-miss kong mag-christmas dito sa Pilipinas.” Sabi ni Kuya Abo habang ibinababa yung mga gifts na dala niya sa may ilalim ng Christmas tree. Lahat kami ay sumunod na rin sa may sala para magbigayan ng mga gifts. Agad namang lumapit sa kin si Kuya Abo at binati ako ng ‘Merry Christmas, Cupcake. Gift ko?’. Napatawa ako kasi inilahad pa niya yung dalawa niyang kamay na tila namamalimos.

Your Kiss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon