Kiss on the lips doesn’t always mean ‘I love you’.
***
ANYA’s POV
Mula sa labas ay dinig ko na ang malakas na tugtugan sa loob ng bahay ni Cecille. Kabado akong nag-buzzer habang nakatayo sa harap ng gate. “Don’t go best.”
Umiling ako. Nagsinungaling ako kay Barbie. Ang sabi ko sa kanya hindi ako pupunta sa party ni Cecille pero heto ako ngayon sa harapan ng bahay nila habang naghihintay ng taong magbubukas.
“Oh Anya! Nandito ka na!” Malaki ang ngiti sa akin ni Cecille. Nginitian ko siya. Napansin ko ang paghagod ng tingin niya sa akin mula ulo hanggang paa. Nakasimpleng dress lang ako na kulay cream at may black lining. Hanggang tuhod ko lang naman. Siyempre pa hindi ko nakalimutang mag-jacket. Naka-flipflops lang din ako.
“Good eve Cecille. Happy Birthday!” Bati ko sa kanya sabay abot ng gift ko.
“Thanks Anya! Masyado ka namang pormal. Halika pasok ka.” Inakbayan niya ako. Napakagaan ng kamay niya sa balikat ko. Sabagay sobrang payat nga naman talaga ni Cecille.
Maganda ang bahay nila Cecille. Hanggang third floor ito. Marami ding halaman sa paligid. Hindi kami dumaan sa may main door. Hinila niya ako sa may gilid at doon ay may pasilyo na marami ding nakasabit na halaman sa may dingding. Sa kanan ko ay may mga malalaking bintana na tinted ang salamin. May malaking poste rin sa magkabilang gilid bilang pundasyon na rin siguro.
“Anya! It’s great to see you here! Does it mean that the war has ended?” Sinalubong ako ni Diana. Nagbeso pa siya sa akin. Nakita ko sina Lea, Marie, at mga lalaking doon ko pa lamang nakita. Nasaan kaya si T.L?
“Ah… yah… P-peace.” Nag-peace sign pa ako sa kanila.
“Ba’t di mo kasama si Barbie?” Tanong ni Marie.
“Di siya pwede.” Sagot ko na lang. Hindi na naman nila ako kinulit about dun. Ayaw ko din naman kasing malaman nila na nasa Hospital si Barbie. Hindi pa rin naman kasi ako sure kung sincere ba sila lahat sa pakikipagbati sa amin.
Sa may garden kami ng bahay pumuwesto. May pahabang mesa doon na sa palagay ko ay kasya ang mga sampung katao. Ang dami ding pagkain sa may mesa at hindi siyempre mawawala ang bote ng alak na nag-aabang na mabuksan na. May mga bote rin ng beer doon at yung ang kasalukuyan nilang iniinom. Pinaupo ako ni Cecille at inalok ng inumin. Tumanggi ako dahil hindi naman ako umiinom ng alak. Pati hindi rin naman yun ang inaasahan kong aabutan. Akala ko pa naman maraming bisita kasi may invitation pa. Pati akala ko may cotillion kasi nga di ba debut?
“Okay. Sige mamaya na lang. Anyway guys! This is Anya. Classmate namin. Anya, this is Freddie – turo sa may kanan ko – Lea’s boyfriend. Eto naman si Dwight – turo sa tabi ni Marie na nasa bandang kaliwa ko – Marie’s boyfriend. At eto naman si Gilbert. Si Randolf, Diana’s boyfriend at siyempre si Roy, boyfriend ko.” Pagpapakilala ni Cecille sa mga kaibigan niya. Ngumiti sila sa akin lalo na si Gilbert. Okay, sila na ang may boyfriend lahat.
“H-hi.” Nahiya pa ako. Siyempre hindi naman ako sanay humarap sa mga lalaki.
“You’re cute.” Nagsalita si Gilbert. Tumayo siya at nakita kong inilahad niya yung kamay niya sa harapan ko. Nag-atubili ako. Napatitig ako sa kamay niya. Kayumanggi ang kulay ng balat niya. Matangkad din siya at gwapo rin naman. May earring siya sa left ear niya.

BINABASA MO ANG
Your Kiss (COMPLETED)
Novela JuvenilDon't be fooled with just a simple kiss . . . wag atat XD