kiss 10

150 1 0
                                    

Blessed is the one to find a bestfriend in her side.

***

ANYA’s POV

                Nagising ako dahil sa narinig kong pag-andar ng sasakyan. Kasunod ay ang pagbukas ng gate. Kahit inaantok pa ko ay napilitan akong bumangon para silipin kung sino ang umalis. Lumapit ako sa bintana. Nasilaw pa ako sa liwanag ng araw. Tumingin ako sa ibaba. Yung Ferrari ni Kuya Abo. Umalis na siya? Tumingin ako sa wall clock. Seven o’clock na pala. Bumalik ako ng kama at humiga.

                Tut! You have one message received:

From: +639271256***

Good morning beautiful…

I woke up one day that it’s you I am thinking of…

Take care…

                Ha? Ano daw? Sino namang epal eto? Ang aga-aga, ang lakas mang-trip. Ma-delete nga. Pagkatapos ay bumalik na ako sa pagtulog. Pinatong ko sa bedside table yung cellphone ko. Maya-maya ay narinig ko na namang tumunog yung cellphone ko.

From: Best Barbie

Best! I miss you na! Punta ako diyan sa inyo ha?! See you!

Me:

Okay best. I miss you too.

                 Ito talaga si Barbie. Kahapon lang magkasama kami eh. Ha ha sabagay, nakakamiss talaga ang kakulitan niya. It’s Saturday today, ano kayang magandang gawin?

Tut! You have one message received:

From: Best Barbie

Dito na ako best sa sa labas ng kwarto mo.

                “Ha? Ang bilis naman non.”

                “Taran!”

                Nakita ko si Barbie na pumasok sa kwarto ko. Ang saya-saya niya. Nakasuot siya ng pink na dress. May lining pang kulay green sa mga edges. Naka-sneakers din siya. Ang kulit lang. May suot pa siyang hairband na kulay green. Naka-ponytail lang siya.   Ang cute ni Barbie! At may dala-dala pang cute na bagpack.

                “Oh! Tanghali na Best, nakahiga ka pa rin diyan?!”

                Lumapit siya sa akin at hinila patayo.

                “Ano ba ‘yan Best. Ang aga naman eh. Saan ba ang lakad natin ha? Ikaw talaga, ang bilis mo. Akala ko nasa house ka pa nung nag-text ka. Adik lang?”

                “Ha! Ha! Punta tayong mall. Dali ligo ka na.” Binitawan niya ako at pumunta sa bathroom. Narinig kong binuksan niya yung shower.

                “Halika na Best! Maligamgam yung tubig. Maligo ka na.” Sumungaw yung ulo niya sa pinto ng bathroom. Napailing ako tapos ay kamot ulong sumunod sa kanya. Wala naman akong magagawa sa kakulitan nito eh.

                “Dito lang ako sa sala ha? Ingat sa paliligo!” Lumabas na siya ng kwarto ko. Pasaway talaga eh. Pumasok ako sa bathroom. Itinapat ko yung kamay ko sa tubig na nanggagaling sa shower. Maligamgam nga. Ginanahan tuloy akong maligo.

                “Ano naman kayang nasa isip ni Best at nagyayang maggala sa mall?”

                Ang aga pa naman. Mga ten pa naman ang bukas ng mga mall. Adik lang talaga si Barbie. Hmp, alam naman niyang matagal akong maligo. Maghintay siya. He he.

Your Kiss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon