Do not live in pretending. Let your heart speaks the truth for you.
***
ANYA’s POV
Kung natakot man ako sa mga nangyari, mas nangibabaw ang lungkot na nadama ko. Pagkatapos ng tagpong iyon sa bahay nina Paul, tumawag kaagad ng pulis sina Kuya Kregg. Pero dahil minor pa si Paul, hindi pa siya pwedeng ikulong.
Yun nga lang, napag-alamang positibo sa droga si Paul kaya diniretso siya sa Rehabilitation center at yung mama ni Paul naman ay sa mental hospital na rin dinala.
Nakakalungkot isiping may mga taong hindi kinakayang harapin ang tunay na buhay. Sila yung mga taong may mabababang pananampalataya kaya agad tinatakasan ng pag-asa.
Napag-isip-isip ko na yung mga problema ko noon tulad ng itsura ko ay napakasimpleng bagay lang pala para problemahin hindi katulad ng problemang nangyari sa buhay ni Paul.
Napabuntong hininga ako sa isipin. Sabagay, kahit gaano pa nga naman kaliit o kalaki ang problema ng isang tao, isang bagay lang ang mahalaga at ‘yun ang wag kang susuko.
***
“Best!!! Thanks God you’re safe!” Natigil ako sa pag-iisip ng narinig ko si Barbie. Umiiyak na sinalubong niya ang kotse kung nasaan kaming tatlo nina Kuya Abo at Kuya Kregg. Kagagaling lang namin sa prisinto noon at heto na kami ngayon sa harap ng bahay namin.
Agad akong lumabas ng kotse at yumakap din kay Barbie. Iyak pa rin siya ng iyak.
“Ssshhhh Best naman… wag ka na umiyak. Paiiyakin mo ako nan.” Biro ko sa kanya.
“S-sorry best…hi-hindi ko talaga mapigilan. S-sobra kasi akong nag-alala sa iyo… Ngayon ko lang kasi nalaman na may stalker ka pala. At ganoon nga ang nangyari…” Sabi niya habang humihikbi pa.
“Naiintindihan kita pero I’m here na best kaya wag ka ng mag-alala. Pati sorry, hindi ko na talaga sinabi sayo dahil ayaw kong mag-alala ka pa sa akin.” Nginitian ko siya ng kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Nagpunas naman siya ng mga luha.
“At bakit ganyan ang buhok mo?!” Napatakip pa sa bibig niya si Barbie.
“Ah eto. Yung si Gwen ang gumupit neto. Okay lang yan nakalibreng haircut naman. Ha ha ha” Tumawa pa ako habang hawak-hawak yung buhok ko.
“Fuck that ugly bitch! Kakalbuhin ko ‘yon pagnakita ko siya! Look at your hair best. Sobrang ikli. Hanggang shoulder na lang tapos hindi pa pantay!” Galit na galit na sabi ni Barbie.
“At… at bakit iba na yung suot mo?”
“Kasi ginupit ni Gwen yung uniform ko ayon nasira tapos yung Mama ni Paul yung nagpalit sa akin.” Paliwanag ko naman. Hindi kasi ako tatantanan ni bestfriend kapag hindi ko siya sinagot.
“Bie tama na ‘yan. Pagpahingahin na muna natin si Anya sa loob.” Si Kuya Kier. Ano daw? Tumabi naman si Barbie at kumalma. Lumapit siya sa amin at hinawakan ako sa kanang balikat.
“I’m glad you’re here, Sis.” Nginitian niya ako at tinapik-tapik pa yung balikat ko. Ginantihan ko din naman yung ngiti niya.
BINABASA MO ANG
Your Kiss (COMPLETED)
Teen FictionDon't be fooled with just a simple kiss . . . wag atat XD