Being born is never a choice to anyone so you have the right to complain in every hard situations you are in to. But remember that it is always your choice whether you’ll live your life to the fullest or let your life be miserable.
***
PAUL’s POV
“Heart, this is Paul. You’re brother.”
“Wahhhh!!! Really Mamu?! May brother na ako! Ayiiii! Ang cute ng kapatid ko!”
Tumigil siya sa pagsasayaw. Ballet yata ang tawag doon. Tumakbo siya at niyakap ako. Medyo nahihiya pa kong ngumiti sa kanya. Bagong salta lang kasi ako sa bahay ng pamilya Reyes.
“Hi Paul! Ako nga pala si Heart. You’re Ate Heart.” Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at ngumiti. Bumilis yung tibok ng puso ko. Siya na yata ang pinakamagandang babaeng nakita ko simula nung nakalabas ako ng bahay ampunan.
Ang swerte ko naman. Ako ang napili nilang ampunin! Nine years old ako noon habang si Ate Heart naman ay ten.
***
“Wow! Paul! Ang galing mo naman! Nahulaan mong uulan! Ayiiii! Maige na lang at nagdala ako ng payong. Naku! Kung hindi, uuwi akong basang sisiw. Ahahaha!” Si Ate Heart. Kagagaling lang niya sa school at agad siyang dumiretso sa may terrace sa likod ng bahay. Favorite place ko ‘yon kasi mula doon ay kita mo ang maraming puno. Kapag tumingin ka naman sa baba ay bangin na. Ang ganda ng view, promise.
“Ahahaha ganon ba Ate Heart. Actually madali mo lang naman malalaman kung maganda ang panahon o hindi.” Paliwanag ko sa kanya.
“Ha? Paano naman kaya ‘yon?” Takang tanong niya.
“Simple lang. Pakiramdaman mo yung mga hayop sa paligid. Tulad ng ibon, langgam, o kahit mga aso o pusa man. Mas matatalas ang pakiramdam nila kaysa sa atin.”
“Ang lalim mo naman Paul.”
“Hindi naman no. Kasi sa bahay ampunan, lagi akong nasa bubungan ng simbahan. Nagagawa kong pagmasdan yung mga kilos ng mga hayop sa paligid ko.”
“Ang cool naman ng talent mo. Simula ngayon. Sa ‘yo na ako makikinig ng weather forecast. Okay ba ‘yon? ” Ngumiti na naman siya sa akin at bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
***
“O mga anak. Mag-merienda muna kayo. O nakaupo na naman kayo diyan. Pasasarhan ko na talaga ‘yan.”
“Mamu naman eh! Favorite place po namin ‘to ni Paul.”
“Eh baka kasi malaglag kayo. Diyan pa talaga kayo umuupo sa gilid. Lalo ka na Heart! Bumaba ka nga diyan.” Saway sa amin ni Mamu dahil doon pa kami nakaupo sa may pasimano ng terrace. Eh walang hawakan ‘yon.
“Huwag po kayo mag-alala Ma, nandito naman po ako. Poprotektahan ko si Ate Heart.”
“Ayiiii! Ang sweet ng brother ko!” Bigla niya akong niyakap.
“A-ate! Wag ka malikot!” Sigaw ko. Kung hindi siguro dahil kay Mama baka nalaglag na kami parehas.
***
BINABASA MO ANG
Your Kiss (COMPLETED)
Fiksi RemajaDon't be fooled with just a simple kiss . . . wag atat XD