Seduction is hard to resist for a man is born weak that when a woman tried to insist, he may end up liking it.
***
ANYA’s POV
Lumingon ako sa kanya. Tapos sa gilid ko. Tapos sa paligid ko. Ako lang yung pinakamalapit sa kanya. Shocks! He’s talking to me!
“A—ah e—eh k-kasi nasundo na si Barbie.” Diahe! Nautal pa ako. Nakakahiya. Pasulyap-sulyap ako sa kanya. Sumandal siya sa may pader. Ang cute niya. At ang bango pa niya.
“Eh si Paul?”
Naalarma ako sa tanong niya! Bakit niya tinatanong si Paul?! Oo nga pala. Hindi ko rin siya napansin kanina. Bigla na lang nawala nung uwian na.
“Hmn.. di ko alam eh…” Pinilit kong maging kalmado para naman hindi niya mahalatang kinakabahan ako at the time.
“Himala…”
“Ha?”
Napatingin ako sa kanya. Himala daw? Bakit? Anong ibig niyang sabihin? Infairness, kinilig ako don ha ha. Tiningnan lang niya ako sa gilid ng mata niya. Grabe! Parang matutunaw ako sa tingin niya. First time ‘to! First time na ganito kami kalapit sa isa’t-isa! Gusto kong sumigaw sa kilig kaya lang hindi pwede! Mabubuko ako!
“Cupcake!”
“Ha?”
WRONG TIMING!
Ano na namang ginagawa ni Kuya Abo dito?! Napahawak ako sa noo ko papunas sa mukha ko. Pinilit kong ngumiti. Tapos tumayo ako. Sinalubong ko siya nung bumaba na siya sa Ferrari niya. I don’t want to fight with him in front of my T.L. I gave him a sly look. Hindi ko na hinintay pang pagbuksan niya ako ng pinto. Kusa na akong sumakay kahit ang totoo’y naiinis ako.
“What’s wrong Cupcake?” Naramdaman ko yung pagbukas ng pinto. Hindi ko siya pinansin. Nakatingin ako kung saan naka-upo si T.L. Nakatingin din siya sa gawi ko. Pinaandar na ni Kuya Abo yung Ferrari niya. Habol tingin naman ako kay T.L. Napaawang yung bibig ko nung makita ko si Clarence na tumayo. Hinihintay pala niya si Gwennever! Siya pa talaga yung nagdala ng gamit ng babaeng ‘yon! Nakakainis!
Saka ko lang din naalala na hindi man lang ako nakapag-paalam sa kanya. Bigla na lang akong umalis. Naku naman! Baka iniisip niya na ngayong suplada talaga ako. Napasimangot ako. Naramdaman kong huminto yung car.
“Seatbelt.”
Nagulat pa ako nung lumapit siya sa akin. Second time na ‘to ah. Naamoy ko na naman siya. Ang bango. Ganito talaga ang mga lalaki? Always fresh? Naalala ko si T.L. Napapikit ako. Yung mukha niya, yung amoy niya, at yung mga mata niya.
“Cupcake?” Nagmulat ako ng mata. Shocks! Ang lapit ng mukha ni Kuya sa akin!
“Alam niyo guys?! I bet magiging old maid si Anya!”
“Ha! Ha! Ha! Yeah right Cecille. Poor Anya! Hindi niya mararanasan ang mai-kiss man lang.”
Parang nag-echo pa yung mga sinabi nina Cecille sa utak ko. Kiss. Nagpalipat-lipat yung tingin ko sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
Your Kiss (COMPLETED)
Novela JuvenilDon't be fooled with just a simple kiss . . . wag atat XD