Fightning is not bad at all. Sometimes, it’s only a way to show what is unnoticeable.
***
ANYA’s POV
“Thank you so much hijo. Niligtas mo ang anak ko. Eto, mag-tea ka muna.” Iniabot ni Mommy kay Kuya Abo yung tasa ng tsaa. Nandito na kami sa bahay sa may sala sa taas. Nakadamit pantulog na ako at may towel na na nakabalabal sa balikat ko habang nakaupo sa may sofa. Pinainom na rin ako ni Mommy ng gamot para hindi daw ako lagnatin.
“I can’t believe na may stalker ka sis.” Si Kuya Kier. Tumabi siya sa akin at inakbayan ako.
“Heh! Anong ibig mo pong sabihin doon ha?”
“W-wala noh!”
“Oy kayong magkapatid diyan. Mahiya nga kayo kay Raven.” Sita sa amin ni Mommy. Kakainis naman kasi ‘tong si Kuya Kier eh.
“Pero Anya. Hindi mo ba nakita yung mukha ng taong ‘yon?” Seryosong tanong ni Kuya Kier. Umiling ako.
“Madilim po kasi eh. Pero may number niya po ako.”
“We can use that number for tracking him. I’ll go to Telecom so we could affix on that case by tomorrow.” Si Kuya Raven. Desididong desido talaga siya na mahuli yung taong ‘yon.
“That’s a good idea hijo. And you Anya, magpalit ka na ng number bukas na bukas din. Sumama ka na rin kay Kuya Raven mo bukas sa Telecom.” Napatango na lang ako sa utos ni Mommy.
“Sige po Tita. I’ll go ahead. Kier, pakibantayan na lang si Anya.”
“A- O-of course Kuya Raven.”
“Bye.” Tumingin siya sa akin at ngumiti. Napatango naman ako. Ang gwapo niya pala talaga?
Si Mommy na ang naghatid sa may gate kay Kuya Abo. Babalik na sana ako sa kwarto ko para magpahinga ng magsalita si Kuya Kier.
“Si Barbie. She’s on the hospital.” At tumalikod na siya sabay pasok na rin sa kwarto niya.
Ano daw? Si bestfriend Barbie? Nasa ospital daw?! Agad kong kinuha yung phone ko para tawagan siya at para makabalita na rin.
BARBIE’s POV
“Thanks best for the call. Don’t worry okay na ako. I just need to be confined for atleast three days but still I assure you that I’m fine and pretty pa rin. Ha ha Ha”
“Ha ha ha best, alam ko strong ka kaya keringkeri mo yan. So Paano? Pahinga ka muna. Punta ako diyan tom. I love you best.”
“Okay, I love you too best.” And she ended the call.
Hay… alone na naman ako. I stared at the ceiling blankly and then closed my eyes.
“We just can’t trust our emotions. Just like now. I wanted to kiss you. Will you let me?”
And he kissed me. He kissed me just because he wanted it to happen and it was just anything but nothing.
I sighed. And what is that nothing that keeps me like this? I shook my head. What a question?!
Mommy Calling…
BINABASA MO ANG
Your Kiss (COMPLETED)
Teen FictionDon't be fooled with just a simple kiss . . . wag atat XD