Sweet things can make the mad hearts to lie down.
***
ANYA’s POV
“Kung hindi dahil dito, wala sanang gulo!” Tumutulo yung luha ko habang tinatapak-tapakan yung picture namin ni Kuya Abo. Sobrang nakakainis talaga. Dahil sa akin, napaaway na naman si Barbie at dahilan ‘yon para ma-suspend siya ng two weeks sa school. And for sure, next year na siya makakapasok ulit dahil sakop na rin nito ang two weeks vacation namin for the month of December.
“Badtrip!!!”
Nasa may waiting shed ako sa likod ng school. Doon kasi yung usapan namin ni Kuya Abo kapag uuwi na kami parehas since mas malapit ito sa office niya na nasa loob ng Academy.
“Hey Cupcake! What are you doing?”
Galit akong humarap sa kanya. Tumutulo pa rin yung luha ko sa sobrang inis. Nakita kong kumunot yung noo niya. Nagulat ako nung hawakan niya magkabilang-pisngi ko. Ang init ng palad niya.
“What happened? Why are you crying? Tell me...” Yumuko siya ng konti.
LUBLUBLUBLUB
“Sshh… I’m here…” Pinahid niya yung mga luha sa pisngi ko. Tapos inayos-ayos pa niya yung mga buhok na tumatabing sa mukha ko. Sa ginagawa niya ay lalo pa akong napa-iyak.
“Kuya Abo… S-si Barbie po. N-na s-suspend po s-siya ng dahil sa akin!” At tuluyan na akong napahagulgol. Naisubsob ko pa yung mukha ko sa dibdib niya. Naramdaman ko yung pagyakap niya habang hinahagod-hagod yung likod ko.
“Inaway kasi nila ako… K-kaya p-po nagalit si B-barbie… Nakasakit s-siya ng dahil s-sa akin… L-lagi na lang… ako yung reason k-kung bakit siya napapahamak… W-wala akong kwentang kaibigan!” Halos pahikbi-hikbi kong sumbong sa kanya.
“Ssshh… that’s not true. Barbie just helped you. She knew that you needed her and that’s what she just showed to you.”
“P-pero ako na lang po sana yung lumaban.” Tumingin ako sa mukha niya. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin dahil nakayakap pa rin siya sa akin. Pakiramdam ko walang pwedeng makasakit sa akin ng mga oras na ‘yon. Tumitig ako sa kanya. Punumpuno ng malasakit yung mga mata niya.
“Even if you did that. Barbie will sure help you. It’s a friend’s instinct.” Sabi niya tapos ngumiti siya.
“It’s just that Barbie has this masculine power inside her body. Parang Amazona ‘yon eh!” Tumawa siya. Napa-pout naman ako ng lips. Tapos bigla niyang pinisil yung magkabilang pisngi ko.
“Awww! Kuya Abo naman eh!” Tinabig ko yung mga kamay niya sa mukha ko. Tumatawa pa rin siya. Nagpahid na ako ng mga luha pagkatapos ay ngumiti na rin ako. Pinagmasdan ko siya habang tumatawa. May silbi din pala yung paminsan-minsang pagsingit niya ng mga lines. Nakaka-divert ng attention.
Sa huli ay pinasakay niya na ako ng kotse niya. Pinagbuksan pa talaga niya ako. Bago siya pumasok ay nakita ko siyang yumuko at tila may pinulot.
“Cupcake? Where did you get this photo?” Tanong niya habang hawak-hawak yung picture na tinapak-tapakan ko kanina.
“Kay Cecille po. Doon sa classmate kong gumawa ng gulo.”
Kumunot yung noo niya. Parang nagtataka siya sa sinabi ko. Bumuntong hininga ako.

BINABASA MO ANG
Your Kiss (COMPLETED)
Teen FictionDon't be fooled with just a simple kiss . . . wag atat XD