I’m just jealous.
***
ANYA’s POV
Hindi pa rin maalis yung kaba ko habang magkatabi kami sa kotse ni Kuya Abo. Nandito na kami sa tapat ng bahay namin pero hindi ko magawang iwanan siya.
“Are you still dizzy?” Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya pero hindi naman siya nakatingin sa akin.
“M-medyo po.”
Katahimikan ulit. Narinig kong bumuntong hininga siya at naihilamos niya yung palad niya sa mukha niya.
“Boyfriend mo ba ‘yon?” Tanong niya habang nakatingin sa akin. Lalo tuloy akong kinabahan. Gusto ko na ngang umiyak pero nagpigil lang ako.
“H-hindi po.”
“What?!” Sigaw niya. Nagulat ako sa pagsigaw niya kaya kusang tumulo na yung luha ko. Nakakunot pa yung noo niya habang nakatingin sa akin.
“He is not your boyfriend?! Pero nakikipaghalikan ka sa lalaking ‘yon! My God! Can you please show some respect for yourself?! Dun ka pa talaga nakikipaglandian sa kalsada!” Galit niyang sabi.
“Hindi po ako nakikipaglandian and f.y.i siya po ang humalik sa akin at hindi ako!”
“And you did like it?!” Sarkastikong palatak niya. Gusto kong maasar sa mga pinagsasabi niya. Sa tono ng pananalita niya ay parang gumawa ako ng isang krimen na hindi kayang patawarin sa korte. Pero sasagutin ko ba yung tanong niya? Nagustuhan ko nga ba yung halik ni T.L.? Eh lasang alak at sigarilyo naman eh!
“Eh ano po bang pakialam niyo kung nakikipaghalikan ako sa taong gusto ko?!” Inis kong sagot sa kanya.
“You are just so stupid not to notice it!”
“I’m not stupid!” Sa inis ko ay tinangka ko na siyang layasin pero hinawakan niya ako sa braso at bigla niya akong niyakap!
“K-kuya Abo!” Nagpumiglas ako kasi ang higpit ng yakap niya at medyo nasasaktan ako sa ginagawa niya.
“Can you please hug me back?” Sabi niyang medyo basag ang boses. Lumuwang yung pagkakayakap niya.
“Please?” Para namang hinaplos yung puso ko sa ‘please’ niya kaya napayakap na rin ako.
“Thanks…” sabi niya habang yakap-yakap ako.
Naramdaman ko na lang yung paghikbi niya. T-teka! Umiiyak ba siya?!
“Kuya…?”
“Just tell me you won’t do it again…” Sabi niya habang yakap-yakap pa rin niya ako. Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.
“I don’t wanna see you with that boy again. I don’t wanna see you being kiss by him or any other guys out there.”
Ewan ko pero bigla ba naman akong kinilig?
“It makes me uneasy. It makes me delusional. It makes me afraid, afraid to lose you.”
BINABASA MO ANG
Your Kiss (COMPLETED)
Teen FictionDon't be fooled with just a simple kiss . . . wag atat XD